sana hindi mo pa to mababasa...i plan to greet you mamyang 11.59...actually natatakot ako kasi baka makalimutan ko o makatulog ako...wala lang...para maiba naman ang greetng...as in pinauulit-ulit ko sa sarili ko na wag matulog...maghintay hanggang 11.59...ahahaha
kanina naki-epal na naman ako sa kaingin, kasama si faye...unfortunately, yung marami naming nakilala/nakasama noong last sem ay wala today...and marami rin wala...so i was stuck with the grade 1 kids all alone...grabe! di ko kinaya...i was even looking na at my watch constantly kasi grabeng gulo gulo ng mga bata...at actually nagulat ako na mag-isa lang akong nag-handle sa about 8-9 kids! at grabe sila! sigawan, harutan, wrestling, batuhan, suntukan, at labas nang labas ng room, wala na silang ibang ginawa! at super gusto ko ng umiyak dahil si sila nakikinig sakin...at alam niyo ung feeling na tingin mo lahat na nagawa mo na pero wala pa ring nangyayari?!? ganun ung feeling ko kanina! i wanted to get out of there...but i reminded myself that they were just kids..and everyone deserves the right for education...actually don't think na gusto talaga nilang mag-aral pero i realized that i want them to value education...dahil kahit na karapatan natin to...hindi pa rin lahat ay nabibigyan ng karampatang karapatan...grabe...i can't believe tataas na ang tution fee sa up....from 300 to 1000...alam ko di ako maapektuhan nito...pero pano yung iba? there woudn't be much of a problem, i guess kung maipapatupad lang nang maayos ang bracket system ng stfap...yun ay KUNG...pero alam naman natin ang sistemang pinoy...bakit ganun? ang gulo gulo natin..kelan ba tayo aayos? ang hirap tuloy i-defend ang mga bagay-bagay mapa-pinoy man o hindi kasi alam mong may mali. may mali..napapansin ng lahat pero walang nangyayari...nakaka-fustrate....school level pa lang yan noh...pano pa kaya kung national level...sangkatutak na nag-ipon ipon na kamalian...tulad ng di paglaan ng budget para sa mga eskuwelahan tulad ng UP...
kung tutuusin...mabuti na may ginagawa ang up para sa kakulangan ng gobyerno...mabuti na naipapakita ng up na kaya niya gumawa ng solusyon para sa mga problema sa sarili nitong paa...ngunit hindi tamang dahil dito ay hindi pa rin tutugunan ng gobyerno ang mali nilang pamamalakad at ang kakulangan ng pagtugon nila para sa karapatan ng mga taong magkaroon ng edukasyon...utang nila ito satin...dapat nilang panagutan...dahil karapatan nga ito...
||'| still waiting @ 7:30 PM |'||