Well...i'm back...after a long, long time. Ayan, i decided, i would change the way that i post stuff. Kasi nakakahilo yung usual ko na... lang after a sentence. Hahaha. But it feels so weird ilang taon na ba ako nagpopost gamit ang ellipsis. Hahaha. Anyway, i went to school yesterday, so that i would learn that i failed that darn bio lab 4th exam and i would then have to take finals on wednesay. Siyempre, thank you very much my dear lab prof for not coming. Thanks talaga for making us wait from 9 am to 1 pm pero wala ka naman pala, making us leave two notes on his door na malamang hindi naman niya nabasa. Thanky you, too, for kindly not emailing us our class standing, as promised. Oh well, at least i saw Charles, the current subject of my infatuation/obsession.
Sa dami na ng dumaang araw mula nung huli ako nagpost, sige iisa-iisahin ko ang lahat. Una muna, i did well on my 6 bio exams (lec and lab). I did better on my lab, though, pero keri lang naman yung lec (ang keri sakin ay mga tipos 60+). Pero ayun, i blew it all on those last 2 exams, yung pang7th at 8th. Hindi na kasi kaya ng utak ko, nag-overload, especially dahil sabay pa yung 2 lintik na exams na yun. At kasabay nga nun ay paggawa ko ng methodology part ng paper namin, na may kadalian naman, kaso ginawa ko rin yung pag-compile ng institution visit namin sa isang SPED school, at nahirapan ako sa pag-print. Hay, kasi naman, hindi ako above average na person, na kailangan ko ng prior na pag-aaral sa bio, at hindi one shot big shot (shux, tama ba? ano ulit yung expression na yun? hahaha. sorry naman) na pag-rereview lamang, Especially dahil nakailang absences din ako sa lec kasi naman masakit ulo ko, may exam ako sa sunod na class ko at nakulangan ng study time, etc. etc. At isa pa, hindi ko naman naiinternalize lahat ng naituturo ng lec prof ko, at kung magturo siya ay napakapahapyaw lang. So siyempre, nung gabi na nag-aral ako, hindi ko natapos lahat. Yung lab prof ko naman. Ano bang masasabi ko sa kanya? Well, as previously mentioned by moi, yes, i admit, crush ko siya. Hahahahaha. Pero ayoko na sa kanya. Dahil una sa lahat, he's very conservative, him being an opus dei and being this officer sa org niya na religious org (kung saan nagaattend din dun si james, one of my most unreachable dreams hahaha). Pangalawa, muka namang wala siyang special attention na nabibigay sakin, at pangatlo (and most importantly), prof ko siya, matanda na siya. Hahahaha. So ayun, si prof na yun ay napakagaling din sa hindi pagtuturo. Mejo half of the time ng lab namin ay wala siya sa classroom. Sabi nga ng mga orgmates ko na dati niyang tinuruan ay "shung-shunga" siya. Hahahaha. Hindi naman sa shunga-shunga nga siya, tamad lang siya. Hindi niya habit ang pag-impart ng knowledge sa kanyang mga estudyante, bilang isang prof. Hahahahaha. Mas gusto niya yung ka-chika niya yung ilang certain colleagues niya habang may klase kami. Para kasing ganito yun eh, papakuhanin niya kami ng toad, ng dissecting pan, papasuotin ng gloves, ng lab gown, papadissect kami, magdradrawing lang siya ng useless diagrams ng kung anuman ang nasa manual tapos yun na yun. Bahala na kami sa pag-alam ng gagawin namin, tingnan kung anong gusto namin tingnan, tapos pag sakaling mahirapan kami sa pag-pith at nanjan pa siya, siya na magpipith ng palaka namin. Ayun. Pagkagaling-galing, hindi man lang niya na-notice na ni kahit kelan ay hindi ako nag-pith ng toad dahil sa aking matinding phobia sa mga palaka. Hindi niya rin napansin na mukang most of the time, eh napakalayo ko sa frog dahil na nga rin sa aking matinding phobia. Oh well, dahil jan, goodbye my dream of having a grade of 2.0 or higher. I am so sad! huhuhuhuhu
Haay, i shouldn't have expected anything. Grr. Tapos may panganib pa ako na subjects. Una ay ang philo 125 na Indian philo. Well, ndi lang kami brinibe ng prof ko na umattend ng Krishnamurti club meetings every Sundays, aba, pinapunta niya pa kami sa Pampanga (na later on nalaman ko, sa Tarlac pala talaga). Naturally, ako, at ang psych major kung friend ay humindi, dahil hello, hindi naman kami marunong magcommute papunta dun. Kamusta naman kasi ang di pagkakaroon ng transpo, noh, sir! So yun. Sabi namin, may exam kami on that date. We had not heard from my prof at all after that so baka nga i-incomplete niya kami or i-3.0 dahil sa di pagpunta. Believe me, maraming loko-lokong prof sa CSSP (remember Kas 2? na ako, anak ng isang historian ay nakakuha lamang ng 2.75).
Tapos isa pa, ay yung psych ko. Kasi nga, bilang pang-4th year sya na subject (thanks CRS!) at kasabay siya ng bio ko, sobrang nasa panganib ako. Ndi ko maintindihan ang karamihan dahil kelangan ko ng prior knowledge from another psych subject na dapat itatake ko rin sa 4th year, after Bio. Ang galing-galing talaga. Tapos yung prof ko dun, ndi niya nga alam na may 3rd year sa klase niya. Hahaha. Super kamote talaga ako sa exam niya, kaya nga nangamote din ako sa bio exam (4th sa lec and lab) kasi namatay ako sa exam dun at nung nag-aral na ako sa bio, duper dugung-dugo na ang aking bran, which can only handle a little bit a a time.
I am so so so sad. Nagtry talaga ako magpaka-GC (grade conscious). Bakit kasi? Ndi lang talaga siya kaya. Grabe naman, napakalungkot ng realization na yun. I mean, what does that mean? That I'm not cut out for this?
Hahahah, been watching gossip girl all day. At tapos ko na ang season 1. hahaha. Ayun.
Ano pa? Lovelife? nye. Hahahaha. Asa pa ako. Oh well. Next time na ang aking social life. Marami rin eh. Hay naku.
||'| still waiting @ 6:34 PM |'||