Maraming nagtatanong sa akin kung ano ba talaga ang naitutulong sa akin ng buklod-isip at kung ano pa ba ang nagpapatuloy sa akin sa pagsali sa pagsali ko sa buklod. Sa totoo lang, ang daming nabigay sa akin ng buklod, tulad na lang ng mga bagong kakilala, mgabagong karanasan, mga bagong pananaw sa mga bagay-bagay, at lalung-lalo na ang pagkakaroon ng bagong kaalaman sa isang mahalagang konsepto--ang Sikolohiyang Pilipino o ang SP.
Masasabi kong naging mahalaga sa akin ang SP dahil marami akong napulot galing dito na kung iisipin, ay instrumental talaga sa pagatao ko, bilang isang Pilipino. Dahil sa SP, mas naintindihan ko ang ang pagkilos ng mga tao sa lipunan ayon sa kanilang pinanggalingan. Dahil na rin sa SP, mas lalo kong na-appreciate o ninamnam ang aking pagka-Pilipino, kumbaga mas naging proud ako na Pilipino ako. Dati kasi, passive lang ako sa mga nangyayari sa lipunan. Oo, siyempre nag-rereact ako sa mga pangyayari pero hindi ko iniisip ang kahalagahan nito sa akin, na dahil wala namang direktang epekto sa akin ang pangyayaring ito, hindi ko na pagtutuunan ng isip, parang wala lang nangyari. Pero ngayon, mas naramdaman ko na na kailangan kong hindilang maging aware sa mga pangyayari ngayon sa bansa ngunit kailangan ko rin itong iugat sa sarili ko, at sa iba pang Pilipino sa Pilipinas at sa ibang mundo. Na- realizeko dahil sa SP na wala na ngang makakatulong sa atin kundi ang mga sarili natin. Ikaw mismo ang kailangang gumawa ng pagkilos para maabot ang anuman ang gusto mong abutin. At tulad sa lipunan natin, kung lahat ay kikilos, makakatungo tayo sa pangkalahatang goal natin. Hindi lang tayo dapat umasa sa iba para magkaroon ng kaginhawaan sa buhay, at hindi rin tamang ipaasa natin ang mga taong nangangailangan ng tulong. Masasabi natin ngayong malaki ang hatian sa lipunan, sa pagitan ng masa at elite, samakatuwid, kailangan ang dalawang sektor na ito sa lipunan ay parehong kumilos upang kahit papaano ay mapaliit ang hatian na ito.
Ngunit isa lang ito sa mga naibigay sa akin ng SP. Dahil na rin sa SP, mas natuto akong maging observant at mas ine-evaluate ko na ang mga bagay bagay na nagaganap sa araw-araw at iniisip ko kung paano ko ito mai-rerelate sa pagiging Pilipino ko. Tulad na lamang ng mga leksyon ko sa loob ng klasrum, sa ngayon, masasabi kong mas nai-sysynthesize ko na ang mga ito at tinitingnan ko kung may konsepto ba sa SP na maaari kong i-relate dito. At dahil dito, mas na-aabsorb ko na ang mga leksyon ko. At ngayon, natutuwa ako dahil nai-shashare ko ang mga napag-aaralan ko sa SP sa mga kaibigan ko, sa mga kaklase ko at peti na rin sa mga magulang ko. Dahil may previous knowledge na ang mga magulang ko sa SP, nakakausap ko sila sa mga ganitong bagay (at kung minsan ay nire-relate pa ng nanay ko ang SP sa sining, bilang isang propesor sa FA ....hehehehe...). Para sa akin, naii-stimulate nito ng mas mabuti ang aking utak at kahit na mababaw lang ay natutuwa pa rin ako dahil lahit papano, nakikita ko namang positibo ang feedback ng mga kaibigan ko tuwing may naikukuwento akong natutunan kong konsepto sa SP, at sa tingin ko ay naniniwala sila dito.
Sa mga kids, marami rin ang nagtatanong kung naniniwala ba ako na may SP ba talaga. Sa totoo lang ay i find it strange kung bakit pa nila kailangan itong tanungin ito. Hindi ko kasi akalain na marami palang naniniwalang non-existent ang SP, ngunit ipinapakita lamang nito na talaga nang marami ang naiimpluwensahan ng kanluraning pag-iisip. Kahit pa noon kasi ay inisip ko na na ay SP dahil kung may sikolohiya ang ibang bansa, inisip ko na may sikolohiya rin tayo. Siguro nga lang ay hindi established at dahil sobrang common or innate na ang sikolohiyang ito sa atin, hindi na lang ito na-didistinguish ng mga tao from other psych. Somehow ay hindi ako na-surpresa na may sikolohiya ang mga Pilipino at ito nga ang SP. Pero nalaman ko nga na napakalalim pala ng inugatan ng ating sikolohiya, at iyon siguro and ikina-surpresa ko.
Isa pang naging benefit sa akin ng SP ay natulungan nito akong ma-realize na ang perspektibo ng kapwa ko ay mahalaga rin, at hindi lamang ang perspektibo ko ang mahalaga. Nakita kong mahalagang tingnan ang mga bagay-bagay na hindi lamang ang sarili mong opinyon ang ginagamit mo ngunit pati na rin ang opinyon ng iba upang magkaroon ng mas mabuting understanding sa mga bagay-bagay. Naipakita nito na mahalaga ang iyong kapwa, at hindi lamang ikaw, bilang isang indibidwal ang i-consider mong mahalaga dito sa mundo. Mas nakita ko ngang sa konsektong Pilipino, hindi mo maiaalis ang pakikipagkapwa natin. Pinapahalagahan natin ang pakikipagkapwa, ang bayanihan, ang pagsanib ng sarili sa iba. Lagi ko ngang pinag-iisipan dati na kung ako ba ay tumira sa Estados Unidos ay magiging mas individualistic ba ako at independent. Sa tingin ko ay kapag sa simula pa lang ay tumira na ako sa EU, ay malamang ay oo dahil ang na-instill sa akin ay mga Amerikanong values at siguro ay naging Americanized ako. Makikita kasi natin na magkaiba talaga ang ating kultura, at isa na nga sa pagkakaiba natin sa kanila ay mas pinapahalagan natin ang ating kapwa at hindi natin maihihiwalay ang ating sarili sa ating kapwa.
Kung mahihinuha natin sa SP na hindi natin maiiaangkop ang napakaraming konseptong Kanluranin sa atin bilang mga Pilipino, naaasar ako dahil hanggang ngayon ay pilit pa rin tayong ginagawang mga tuta ng mga Kanluraning bansa na ito, lalo na ang Estados Unidos. At mas lalo aking naaasar dahil hindi pa rin nating ma-resist ng tuluyan ang mga impluwensyang nanggagaling sa kanila. At higit sa lahat, unti-unti nilang niyuyurakan ang isipan ng mga Pilipino dahil tinuturuan nila tayong mag-isip ng kung paano sila mag-isip. Hinahayaan nila tayong maging mga robot nila upang maging mekanikal ang ating pag-iisip at sumunod na lamang sa kanila. Hindi ito nakakabuti sa atin dahil kung ganito na lang ang mangyayari parati, mas maganda pang sabihin nating tayo ay mga Amerikano at hindi mga Pilipino. Dahil kung pare-pareho na lang tao mag-isip, kumilos, manamit, a iba pa, wala ng halaga ang ating kultura, kasaysayan at sikolohiya. Hindi ito mapagpalaya. Dahil sa SP, natuto akong marami pa tayong dapat gawin, bilang mga Pilipino upang mas itaguyod ang diwang Pilipino at upang mas kilalanin pa ito sa susunod pang mga henerasyon.
||'| still waiting @ 10:30 PM |'||