inaranasan niyo na ba na may ka-chat ka kahit na ayaw mo talaga siyang ka-chat tapos nag-pplay sa windows media player mo yung tumatama sa nararamdaman mong ayaw mo na talaga? tapos habang ka-chat mo yung taong yun...actually, kaibigan mo siya, umiiyak ka kasi ang sama ng loob mo, hindi sa kanya pero sa mga pangyayari...at dahil na rin siguro sa sariling katangahan mo...na habang nag-ttype ka ay gusto mo lang talaga ay makapag-type ka rin sa blog mo dahil hindi mo na kaya mga nararamdaman mo, mga kaasaran mo, mga bagay na itinatakwil mo na dahil sa hirap na dinaranas mo palagi na lang sa kagagawa nito....tapos naririnig mo lang ang boses ni ben folds five na kumakanta ng golden slumbers at sa loob loob mo rin ay gusto mo na talagang matulog at hayaan na lang ang ka-chat mo na mamroblema? yung tipong naaasar ka na, nagsisisi kung bakit ka ba talaga pumasok sa hindi mo naman talaga intensyong pasukan pero napasubo ka na rin...kung sa bagay hindi ka rin naman talaga masisisi kasi hindi mo alam na ito pala ang mangyayari sayo....ngunit habang lahat ng ito'y nangyayari...bigla ba namang nag-iba yung music at naging happy happy na...kaso ndi ka pa talaga happy happy at ayaw mo pang tumigil sa kaaiyak...nabitin...kaso kahit anong gawin mo parang binitin na talaga ng tadhana mo ang sama ng loob mo dahil biglang narinig mong bumukas yung gate at natakot ka na baka ate mo na iyon galing sa gimik yun pala kuya mo lang pala...tapos yung katulong niyo biglang papasok sa pinto at kinailangan mong tumayo dahil may nakaharang sa pinto at hindi niya ito mabuksan tapos biglaang tumawag yung ate mo na gustong makipag-usap sayo kahit na ilang beses mo nang sinabi na mawawalan ka na ng batt....at nawalan ka nga ng batt...at lalung lalo na, binibigyan ka ng options ng ka-chat mo na ni kahit isa dun para sa iyo, ay hindi magandang option...nung bigla na lang naiba yung music ....naranasan mong putulin ang daloy ng luha mo, kahit hindi mo pa gusto dahil may ibang nangangailangan sayo...habang ang sarili mong pangangailangan ay napilitan kang itaboy na lang .....
pero naiba na naman...come on na ni ben jelen at na-realize mo na hindi mo talaga kayang patigilin yung luha mo kahit na gusto ko na talagang kontrolin....kaya wala kang magawa kundi sumagot ng okay na may kasamang smiley sa ka-chat mo....tapos wish mo lang ay nababasa na to ng mga taong makakatulong sayo dapat kasi medyo lang mahigit isa't kalahating oras ka ng umiiyak at record na ito para sayo at kailangan mo na talagang makaramdam ng comfort sa kahit sinong tao kahit na galing sa textmate mo na imposible namang makakabasa ng entry na ito...dahil sobrang sama na talaga ng loob mo at hindi ka na makahinga at sumasakit na ang ulo mo....
||'| still waiting @ 11:46 PM |'||