sorry. wala ako ibang maisip na title e...
napag-isip tuloy ako after ko basahin yung post ni
Constantina...
this sem kasi nagkaproblema ako sa school... hindi ko pa yata to nashe-share sa inyo nang buo...nung una kasi wala talaga akong gustong pagsabihan, parents ko lang at yung isa kong friend na in similar case sa akin...
naisip ko kasi mag-shift? and the reason??? hindi dahil ayaw ko na course ko, actually mas gusto ko talagang ituloy yung bio, kaso warning na ako, meaning kapag 2 beses pa ulit, madidismiss ako... dun ako natatakot, madismiss. at in addition to that, marami-rami na rin akong nabagsak na subjects...
hindi ako kumuha na majors ngayon hoping na makapagshift ako. hindi lang makalipat ng course, if possible makapag-transfer, mas malayo sa manila mas ok.... honestly, itutuloy ko sana kung hindi ako nahihiya. feeling ko kasi napakaliit ng population ng UP Mla... once madelay ka alam ng lahat. kahit hindi mo ka-course feeling ko mamumukhaan ka nila... sobrang negative ko lang na iniisip ko pinag-uusapan ako ng ibang mga tao, kahit wala pa naman talagang sobrang ikamamatay ko na nangyari. ngayon pa nga lang pansin na pansin na kung ano ang mga kinukuha kong subjects... tinatanong ako ng mga blockmates ko kung magshishift daw ba ako, bakit daw hindi na ako kumukuha ng majors (mahahalata nila kasi naalis na ako sa block kasi nga iba na yung mga subjs na kinukuha ko)... basta meron pa nga iba na sinasabihan nila ako na "e di madedelay ka?" o kaya "magshishift ka? may tatanggap ba sayo?"<<<<<
dinedeclare ko yung nagsabi na yan na isa siyang bakla!!! kainis!....
bakit ko to na-connect sa mga sinasabi ni constantina? kasi, sabi niya trabaho na kagad iniisip...
nagka-counseling ako sa guidance ngayon, tinutulungan nila ako magdecide kung lilipat ba ako o hindi at kung lumipat ako saan ako lilipat. nung una ang suggestion nila ituloy ko na lang, sayang naman daw kasi, kaso nga sinasabi ko na natatakot nga ako... tapos sabi pa sakin wag ko muna daw isipin yung pagtuloy sa med (na sinabi ko na gusto talagang gawin), o kahit na yung pag-graduate, focus muna daw sa pag-pasa ko ng mga subjects...
funny thing is, nung pumunta ako dapat isang session lang ako kasi sumabit lang ako dun sa isa kong friend kaso umiyak ako (siyempre, mawawala ba iyakan sa buhay ko, lagi akong on-cue sa pag-iyak e), yun tuloy sabi sakin ita-try din daw namin i-work out yung personality... hehe...
ngayon hindi ko pa rin alam ang gagawin ko sa buhay ko... ang hirap kasi e....
hindi ko alam ung dapat ko ba talaga to ikuwento e... hehehehhehe
||'| still waiting @ 12:28 PM |'||