bakit kasi ako natulog kagabi? as in natulog lang ako! napagod kasi ako nang sobra sa chem....pero bwiset kasi hindi lang yung mga pang-thursday ko na class ang may homework, pati ba naman chem ay nakisakay pa...kasi naman kupal talaga si lab prof...pinapapasa na niya yung post-lab at prob set bukas...dahil daw walang pasok sa friday....dinagdag niya pa yung mga yun sa quiz namin at prob set kahapon na alam ko naman na pareho kong binagsak...tapos yung no.4 ng quiz pinapasa niya ng before 6 pm kahapon din....nagpatulong ako sa orgmates ko sa pagsagot nun, siguro nagtataka siya kung bakit all of a sudden eh tumama mga sagot ko...
actually, kahit ako, kahit simula pa lang ng sem, di talaga ok ang grades ko...yung 5-units ko na major, ngpa-quiz siya na over 20...tapos 6 lang ako...grabe....nakakahiya...tapos dahil experimental psych yun at alam kong ma-trabaho yun dahil maraming papers, etc. natatakot talaga ako...ngayon pa lang pinagre-research na kami sa kung anong problem ang gusto naming pag-experimentuhan...parang sobrang nabilisan ako...tapos ang chem ko...yung sa chem lec, nag-quiz kami tapos 1 over 10 lang ako...sa chem lab, 3.5 over 10 tapos yun nga, sa last quiz nung tues (kahapon), open notes na yun ha, pero wala pa rin ako masagutan...pati ge, may problema ako, dahil ang kas2 prof ko ay somekinda notorious sa pagbabagsak niya, etc. parang sa ngayon eh wala parin akong napupulot sa kanya...baka pagdating ng exam eh mamatay na lang ako...
bakit ganun? napre-pressure ako, sa ngayon, pakiramdam ko, ibinuhos ko na lahat ng energy ko sa chem pero wala pa ring nangyayari, parang wala pa rin akong ma-master, wala ako ma-gets...yung post-lab at prob set para bukas, ndi ko pa rin alam kung paano ko gagawin...hindi naman sa ndi ako nag-aaral, gabi-gabi nag-aaral ako...pero super ndi ko kaya...ganun na ba ako ka-tanga? nahihiya na ako sa prof ko, parang wala na akong mukang maihaharap..tapos kahapon nung nag-quiz kami sa lab, dahil nasa harapan ako, madalas akong napagmamasdan ng prof ko, pag tuwing naglalakad siya para tingan yung mga estudyante, lagi niya ako tinitigilan...eh nahihiya ako kasi medyo matagal din akong walang maisulat sa bluebook ko sa kawalan na rin ng maisasagot...kaya nagsulat na lang ako sa lap ko at hindi na sa table...pero no, ndi pa rin tumigil ang prof ko sa kakatingin sa bluebook ko! actually lumapit pa siya, at dahil open notes, tiningnan niya ang notebook ko at flinip na niya yung mga pages...nagpaalam siya at sabi ko naman na sige....kaso bigla kong naalala na nilalagyan ko ng mga sulat tulad ng "lab grrrr!!!!!" at mga "i hate this day!" ang top margin ng notebook ko! as in hiyang-hiya ako dahil malamang nabasa niya yun....
simula last sem, parang nagkaroon ako ng zero confidence sa sarili ko...pagdating sa acads, pakiramdam ko talaga ang tanga-tanga ko....natatakot ako bumagsak ulit...sobrang natatakot ako...pareho mo, _10...ndi ko talaga alam kung paano ko ire-resolve ung sa chem...ndi ko talaga maintindihan ang mga baga-bagay eh...lagi na lang ako bagsak! sana hindi matulad sa math ko....actually, nung sem break, gusto ko na rin magpa-counseling....at gusto ko pa rin ngayon...
haay...advice ko sayo _10 ay kung gusto mo talaga mag-bio, mag-bio ka na lang....ok lang naman ma-delay....ako feel ko made-delay ako dahil sa math...punuan kasi ng subjects every sem ang psych so di ko alam kung san ko siya ilalagay...wish ko lang talaga, nung first year ako bumagsak at di ngayon...mas mahirap mag-catch up eh...ayoko nang sabihin na kaya natin to! kasi di ko pa alam kung paano ko kakayanin....kaya niyo! na lang....
||'| still waiting @ 4:10 PM |'||