grabe...actually ang dami daming dapat gawin...pero in true pearlfields fashion, tinamad na naman...alam niyo bang sobrang nami-miss ko na kayo? constantina, nami-miss ko na ang iyong boses...kaso pag tumatawag ako, wala ka pa...o kaya kelangan mong umalis...._10...kelan kaya tayo ulit maghihiraman ng sapatos (tulad nung grade 6 sa pe) at kelan kaya tayo ulit magpapareho ng sapatos?...starshine...ndi talaga ako sanay na kaklase lang kita sa isang subject kamusta naman ang 115 mo kay ma'am k? kahit na classmate kita, hindi naman tayo makapag-usap, basta kayanin natin si sir teodoro!...mirage....kaya natin ang bowling...basta magiging ok rin kayo ni mark (ahahahaha)....at tin, kahit di mo to mababasa...i miss you! di na kita nakikita ng tuwing 7 am pag tuwing tues at fri....haay...
bakit ganun? di ko pa rin nararamdaman ang pasko...dahil ba wala pa rin kaming christmas tree na nakatayo sa isang sulok ng bahay? dahil ba ang init-init pa rin kahit na november na? nung dati-rati, kapag october pa lang, ansaya-saya ko na...nagbibilang na ako ng kung ilang araw na lang bago ang pasko.
nalaman ko na naman na hindi makakauwi ang ate ngayong pasko...ansaklap, dahil nami-miss ko na talaga nung magkakasama kami sa isang kuwarto tapos nandun kaming tatlo ng dalawa kong ate sa kama ko na malapit sa bintana...kakatapos pa lang namin kumain noon, di pa kami makatulog kaya kanta lang kami nangg kanta ng mga christmas carols...pati nga mga kanta sa simbahan ay pinatulan na rin namin...mga tipong alive alive alive forevermore, my jesus is alive, alive forevermore....nakakatawa talaga mga boses namin, biruin mo may tatlong kumakanta nang parang mga sirang lasing nang madaling-araw ng araw ng pasko...kaya naman laking gulat namin nang biglang may pumalakpak na kapitbahay...at tuloy naman kami sa pagkanta.
tuwing pasko, lagi akong masaya kasi ibig sabihin sakin ng pasko ay mas may panahon ka para makasama ang mga mahal mo sa buhay..,nakakatuwa kasi na magdamag kang nasa bahay, tinutulungan ang nanay mo magbalot ng mga regalo, at dahil wala ka rin namang ginagawang matino ay uutusan ka ng tatay mo na maglinis ng bahay, isa sa mga gawain na di mo madalas ginagawa kapag may pasok...o kaya naman, yayain mo ang mga kaibigan mo kung saan niyo man matipuhan...siyempre, di na rin mawawala ang panonod ng tv kasama ang mga kapatid ng mga christmas special na palabas...haay...ansaya talaga ng pasko...isang panahon kung saan pawang bumabagal ang takbo ng oras....
siyempre, di rin maisasantabi ang pagkain tuwing pasko...paborito ko ang noche buena namin na simple lang naman...ayaw kasi ng tatay ko na kumain nang masyado ng alas-dose ng madaling araw...sabi niya, di raw ito malusog...may diabetes kasi siya kaya may rason siya para isipin ang ganoong klaseng bagay...madalas, ang aming noche buena ay laging nanggagaling sa mga regalo ng kakilala namin, ang ham, fruit cake, keso do bola, at iba pa...ang nanggagaling lang talaga sa amin ay sotanghon na taon taon ay niluluto ng nanay ko o kasambahay namin....paborito ko itong sotanghon...kaso napapansin ko, pag tuwing di umuuwi ang ate ko, laging naiiba ang niluluto...minsan macaroni o kaya spaghetti...kahit na parang mas masarap...sotanghon pa rin ang gusto ko...
pag tuwing pasko rin, lagi na lang kami nag-cocontest ng ate ko kung sino ang may pinakamaraming natanggap na regalo, at lagi-lagi, natatalo ako, lalo na nung nasa college na ako...pero kahit ipagsama pa ang mga regalo niya at regalo ko, lagi pa rin kaming talo sa tatay ko na ang mga regalo ay pumupuno sa christmas tree namin....sabi ko pa nga noon na gusto ko paglaki ko na magparami rin ng mga kakilala ko para magkaroon ng maraming regalo tulad ng tatay ko...ewan kung bakit, pero mahilig talaga ako sa regalo, kahit napaka-simple, kahit siguro bigyan mo lang ako ng papel na may sulat ay matutuwa na ako doon, regalo na iyon para sakin at kahit na nga papel lang siguro anng ibigay mo ay okey na, basta may kahulugan....hindi rin ako madalas nagpapahayag kung anong gusto kong regalo, ayoko talaga kapag may nagtatanong kung anong gusto kong matanggap, gusto ko lang ang nararamdaman ko kapag may nagpapahalaga sakin....
haay...magpapasko na...konting tiis na lang, dadating na si santa claus...kahit na hindi naman ako naniwala kay santa claus mula pa noon....
||'| still waiting @ 7:00 PM |'||