pag hindi ko ba nilagyan ng pearlfields yun hindi niyo malalaman na ako yun? :P
haayy...nakuuu!!!!! kakatapos ngg chem long test 1...nakakainis pa kasi walang masakyan pauwi...nyway....oo, masyadong-result oriented ang chem...parang siinasabi niyang di mahalaga ang prosesong involved...duh...ang pangit nun di ba? eh kung ganun, di sana walang kuwenta ang mga pinaggagawang experiments ng mga dating scientists na na-disprove na ang kanilang mga teorya...tulad ni alfred wegener sa kanyang continental drift theory...o di kung ginawa natin yung negligble, o di sana di natin matutuklasan ang mas tamang teorya na nag-eexplain sa maraming bagay ngayon tulad ng lindol, tsunami, pagkakaroon ng san andreas fault...ang plate tectonics theory...or is it not a theory anymore? is it already a law or whatever it is na higher sa isang theory? basta the point is, we wouldn't arrive at that kung di nagkaroon ng theory si alfred wegener na nalaman nating lahat na mali pala....tapos isa pang example...ang pag-discover ng pluto...kahit ba na hindi na siya planeta ay masasabing walang kuwenta ito? ibig bang sabihin na kung wala tayong knowledge ng pluto ay ok pa rin? kaya nakaka-discover ng mga bagay-bagay ay dahil sa prosesong pinagdadaanan...kung magkamali, puwede naman ma-modify di ba? bakit masyadong mina-marginalize ng chem 16 ang proseso? bakit ang 5 puntos para sa bawat problem-solving na item ay binibigay lamang kapag tama ang sagot mo at ni wala kang puntos kung di tama ang sagot mo ngunit may solusyon ka naman? at siguro naman ay kahit konti may tama kang ginawa so solusyon mo di ba na maaaring i-account for kahit isang puntos lamang...eh pano kaya pag binigyan ko lang sila ng final answer at walang solusyon? tadyakan ko kaya sila noh? parang timang talaga! tapos sabi pa ng prof ko sa lab '' di ako nagbibigay ng partial points kasi mahihirapan ako sa pag-compare ng pagbigay ng partial points''. who the hell are you kidding? then you're tellin me na hindi ka lang magaling na teacher noh...ewan ko ba kung bakit gusto maging prof ng mga taong obviously ay walang passion at making their students better...at wala naman talagang passion for teaching...
from this moment on, i am promising to myself that i will study for chem at least 1 hour a day, at bukod pa dun ang paggawa ng post-lab at pre-lab....pag sabado, 2 hours, kapag walang lakad...basta! one way or another, ipapasa ko ito! if only kaya kong ipamuka sa mga prof sa chem na mahalaga din ang proseso at hindi lang ang resulta! box your final answers? box your final answers my ass!
||'| still waiting @ 8:12 PM |'||