Una, _10, huggssss para sayo. Mukhang marami ka ring kailangang ikuwento samin pag nagkita na tayong lahat face-to-face!
Well, hindi na ako kailanmang maggrad sa UP (masters, baka, kung kayanin), at ok lang sakin yun, hahaha. Kahit UPIS man ako, kahit halos buong angkan ko sa side ng nanay ko UP grad. Yung mga pinsan ko sa side ng tatay ko grad ng Miriam, Uste, PSBA, at mukhang maayos naman ang mga buhay nila.
Alam mo ba nung freshman ako, dumanas rin ako diyan sa situasyon mo? Kinukulit ko nanay ko na may parte sakin na nanghihinayang kasi di ako makakagrad sa UP, na pangarap ng halos sinomang nanggaling sa IS. Siyempre, kapag nagtrabaho na ako, yung mga katrabaho ko at siguro yung ibang mga taga-UP o san pa na makikilala ko baka magstereotype sakin kapag nalaman nila akong Atenista ako. Alam niyo na: mayabang, konyo, lang paki, etc. Sieympre, nanghinayang rin ako na hindi ako makakasuot ng sablay, hindi ko mararanasan yung yabang na UP forever ako. At oo, sa maraming tao, iba pa rin kapag grad ka ng UP.
Pero ewan. Yung pinsan ko na grad ng AMA nagtayo ng sariling tindahan at ok-ok naman siya ngayon. Gaya nga ng sinabi ko, yung mga ibang pinsan ko, ok naman yung katayuan sa buhay. At tsismis lang, sinabi rin ng tito ko sa mother's side na UP grad (may-ari siya ng spice company) na ayaw niya yung nakukuha niyang vibe sa karamihan ng mga fresh UP grads na iniinterview niya, masyadong mayabang raw kasi. :D (No offense sa inyo ha, alam kong hindi naman kayo ganun)
[At sinasabi ko sa inyo, ok rin na makakita ng mundo na iba sa UP, kahit pang compare-and-contrast lang. Alam ko na kung ano ang pinanggagalingan ng mga Atenista, mga taga-exclusive schools, mga 'upper crust', at nararanasan ko ang halos linggo-linggong pagdiin samin na kami yung mayaman, anak-mayaman, kulang na lang sabihin ng harap-harapang 'e kasi mayaman kayo kaya hindi niyo ito maiintindihan', walang paki sa buhay, ang pagtrato samin ng administrasyon at mga guro na wala talagang alam tungkol sa mga nangyayari sa labas. Iba talaga ito sa pagdiiin ng pagka- iskolar-ng-bayan na narinig natin halos buong HS, at no doubt patuloy niyo ring naririnig.]
Napagdesisyunan ko na lang na gagawin ko nang challenge ang hindi ko pag-grad sa UP. Gusto kong ipakita na hindi naman lahat ng mga Atenista mga konyo, hahahaha. Pero siguro sa dulo ang pangunahing rason kung bakit ok lang sakin na hindi ako maggrad sa UP kasi ito talaga yung gusto kong kurso, kung san ko talaga nakikita sarili ko (kurso ha, kurso. hindi eskwelahan).
Ok, so naging tungkol sakin yung post na to, diba? Sori at naging labo-labo. Oo, pride, well. May nararamdaman pa rin akong kirot kapag nadadaanan ko yung banners sa Univ. Ave ng mga nakagrad na nakasablay, pero sobrang kaunti na lang. Basta _10, kung ano mang maging desisyon mo, suportahan taka. Hahahahaha!
||'| still waiting @ 7:24 PM |'||