May kuwento ako. Matagal-tagal na rin akong nasa kolehiyo. Marami-rami na rin ang aking mga nakakasalamuha, at oo, gaya ng inaasahan sa malalaking unibersidad, maraming klase ng mga tao ang aking mga nakikilala. May mga tipong nakilala ako na mabait, oo, at masaya rin kasama. Sila yung madalas na nakakasama ko sa klase, ngunit pagkatapos ng isang semestre, pagkatapos naming magbigay ng iilang-text quotes sa isa't isa, kalimutan na ang sunod. Meron naman yung mga tipong nakikita ko palagi, nakakasalamuha ko paminsan-minsan, kunwari, yung mga tipong taga-department ko o kaya yung mga tipong taga-college ko. Sila naman yung mga taong alam kong hindi ko maiiwasan, kahit na minsan ayaw ko sa kanila o kaya di ako kumportable sa kanila. Okey lang. Keri. Kebs lang. Di naman talaga kami friends, acquaintances lang.
Ngunit may mga nakilala na rin akong mga taong alam ko na ang pagkakaibigan namin ay yung for keeps. Yung tipong masasabi ko nang 'friends forever' kami, 'together forever' na kami. Kaso may mga panahong minsan maiisip ko na lang na may pagpapaalam din na magaganap sa amin. Kahit na mukang napaka-endless na ng mga pag-uusap namin, kahit na ang saya-saya ng mga panahong kasama ko sila...naiisip ko pa rin ito. Alam ko naman na nandito lang naman kami para sa isa't isa. Ngunit alam ko rin na hindi na madalas ang pag-aalala namin sa isa't isa.
Nakakalungkot. Sayang. Sayang na naman dahil ang mga ganitong tipo ng tao, na masasabi kong totoong kaibigan, minsan, mas todo pa sa kaibigan, minsan, parang pillar of strength, source of support ko, at kuhanan ko na rin ng comfort, ay yung mga taong ayaw kong pakawalan, mami-miss ko, at alam ko na sila yung hindi lang basta-basta lamang darating sa buhay ko. Nakakainis. Kasi bakit ba laging ganito nagwo-work ang buhay? May makikila ka, magiging close kayo nang hindi mo namamalayan tapos paghihiwalayin kayo. Sasabihin niyo sa isa't isa na okey lang yan, magkikita pa tayo, pwede naman tayo mag-text eh, nandito lang ako, pero alam mo, sa loob-looban mo na maiiba na ang lahat sa inyo.
Isa lamang ang magagawa ko, ito rin naman ang matagal ko nang ginagawa sa iba ko ring mga naging ka-close tapos humiwalay na kami ng landas. Iipunin ko na lang lahat ng mahahalagang naganap sa atin, yung mga touching moments, yung mga tipong naluluha ako kapag iniisip ko. Oo, iipunin ko sila. Pagkatapos, pag malungkot ako, babalikan ko ang mga ito. Kapag may mga bagay na bigla na lang ipapaaalala ikaw sa akin, gugunitain ko na lang ang mga panahon na close pa tayo. Titingnan ko yung friendster mo, yung multiply mo...Babalik. Babalik ako sayo.
Sana lagi kang maging masAYA... :)
||'| still waiting @ 9:17 PM |'||