constantina and mirage:
Thanks for your time yesterday!!! Kahit na pabigla-bigla pagsabi ko okay lang sa inyo...mirage:
M really really sorry about last night. We were supposed to stay sa Oz until 7, I think. Then ate told me that we have to go earlier kasi baka maubusan kami ng seats...Yesterday, I went to UPD unplanned. I was with a friend whom constantina and mirage also met yesterday. Afterwards, we met up with Ate & a few of her friends. Kuwento kuwentos lang. Julie (the friend I was talking about earlier) really liked constantina and mirage. Kasi siguro she did not feel OP kahit na ngayon lang sila nagkakilala. Mirage even told Julie a bit about her 'love' life. Haha! Hindi nagkausap na sila constantina and julie kasi umalis julie w/ another friend...
Naiinis lang kasi ako na when I met up w/ ate and friends, nao-OP talaga ako. Ewan ko lang ha. I don't feel that kapag friends naman ng ibang tao yung nakakasalamuha ko. I even asked Joy kung kinakausap ba siya ng mga kaibigan ni ate kapag nakikita niya sile and she said yes. Haaay... Ako ba may problema? Iniisip ko lang na kaya siguro hindi nila ako kinaka-usap kasi may kasama ako. At tsaka hindi rin naman sila (ate & friends) nag-uusap, may kaniya-kaniya rin silang mundo kahapon.
Tapos, nung uuwi na si Julie, sabi ko kay ate sasama na lang ako kay Julie paalis, at hindi na ako sasama sa kaniya manood ng play. Nagalit siya sakin, kaya sinabi ko sige na manonood na ako ng play. Tinatanong ko siya nung una if she's going w/ someone and if she still wants me to accompany her. Ang sinagot niya sa akin bahala ka... tapos magagalit siya sakin. Yun, umalis si Julie mag-isa. By that time, I am really trying to call Mirage para samahan niya ako until 7. Kasi naman, isipin niyo... 5:30pm pa lang yun... 7 yung play. E di mas-stuck ako sa kanila na wala akong kausap, kasi mukhang wala naman silang planong magsalita (even ate).
At alam niyo kung anong sinabi sakin ni Julie nung hinatid ko siya sa sakayan? Sabi niya, "Bakit binu-bully-bully ka ng Ate mo?" <<
referring dun sa pinagalitan niya ako nung sinabi ko sasama na lang ako kay julie pauwi>>Sa totoo, iniisip ko rin yan. And usually she does that in front of other people(madalas sa friends niya). Sabi ko na nga lang kay Julie na hindi ko alam at sabi ko rin na hindi niya yan ginagawa kay Joy. Ang sabi ni Julie, "Ewan ko lang ha..."<<
i'm not sure what she meant by that>>
Honestly, it felt like she was putting me on the spot na alam niyang hindi naman ako sasagot sa kaniya. It doesn't mean na hindi ko siya sinasagot-sagot, inaaway ko din siya. Pero, in situations like that, hindi ko talaga alam sasabihin ko sa kaniya. Nakakahiya lang na she had to do that in front of others. Naiipit kaya ako sa ganun. Hindi ko alam kung ginagawa niya yan dahil gusto niya ipakita sa iba na sunud-sunuran lang ako sa kaniya, na superior siya sakin o kung anuman. Hindi ko na lang siya sinagit dahil mapapahiya kami sa mga kaibigan namin (no, mas concerned ako na mapahiya sa harap ni Julie) at I might end up crying(no joke), kasi lagi naman ganun pag nag-aaway kami.
I even remember telling Julie na "Kapag inaway ako ni Ate, sasama na ako sa'yo umuwi," before going to Oz. Siyempre hindi ko na yan nagawa dahil sa pag-uwi ko nga siya nagalit.
Tapos sinabi sa akin ni Ate na one of her friends asked her "Sila ba?" <<
Julie at ako>>Natawa nga ako eh. Sa itsura ba namin mukha kaming 'kami'?? Sa buong buhay ko wala pa naman nagtanong sa akin kung tomboy ba ako, o kung meronmang nag-isip walang naglakas ng loob na tanungin nga ako. Siguro yung mga nag-iisip na bakla ako mas marami pa. Well, sobrang additional kuwento lang yan kasi naman, nakakatawa siya ha.... Napag-isip nga ako kung ganun ba talaga ako kumilos. Wait 'til he hear me talk, I don't think iisipin nga niyang tomboy ako. Baka sa clouds na naka-tira ang mga sawa by time na mangyari yan.
At tsaka siguro ganun lang talaga, iba-iba lang makitungo ang mga tao.... at siguro wala rin sa kanila ang problem, baka nasa akin din.
||'| still waiting @ 10:02 AM |'||