Imbis na mag-aral sa finals, mag math muna tayo!
two weeks ng vacation lang talaga + 2 seasons Alias DVDs na gusto kong panoorin + 1 week uwi sa Cagayan + summer classes = grrrrrrrrrrrrrrr! Hahaha pearlfields, emo ka pala! Simple Plan na ba itetch? :p Matake nga yang survey na yan!
||'| still waiting @ 9:19 AM |'||
what kind of rocker are you.... You Are an Emo Rocker! | Expressive and deep, lyrics are really your thing.That doesn't mean you don't rock out...You just rock out with meaning.For you, rock is more about connecting than grandstanding. |
What Kind of Rocker Are You?
||'| still waiting @ 11:29 PM |'||
pang psych
yep...we do need to take personality tests for psych.... my 2005 hit song is.... What Hit Song of 2005 Are You?
||'| still waiting @ 11:24 PM |'||
kamusta na?
galing lang ako laguna! debut ni faye! and i sang power of two...isa na un sa mga embarassing moments ko, grabe!!!!!!! at na-hotseat ako ng mga buklod people....lam niyo ba...nung intervew daw ni co-let starts with letter t....sabi sa kanysa ng interviewer....magbigay ka ng kahit sinong let/sinong pinaka-close mo sa lets? (ndi ko sure ung question eh!) sabi niya....aya...well...kung yung magbigay ka ng let ang tanong sa kanya (ay ndi pala tanong yun!) ibig sabihin lang nun ayako ang unang taong pumasok sa isip niya which means....joke! at kung pinaka-close naman ang tanong....oh well! :P ahahahahaha! ang feeling! pagod na ako! pero ndi ko na kelangan ng tilog kahit na parang wala naman akong tulog kanina....gusto ko na lang manood ng tv kaso may math pa!!!! wah! at oo nga pla....nabulgar yung tungkol kay let sa mga buklod peeps! kakahiya! cge..lun na muna...at constantina, galing ng time management natin ah! joke lang! :P
||'| still waiting @ 5:49 PM |'||
kamusta na?
||'| still waiting @ 5:49 PM |'||
comp lab quiz time
Dapat gumagawa ako ng chem post lab ngayon, pero bahala na. Malapit naman ako matapos dun e. Your Personality Is | Rational (NT)
You are both logical and creative. You are full of ideas. You are so rational that you analyze everything. This drives people a little crazy!
Intelligence is important to you. You always like to be around smart people. In fact, you're often a little short with people who don't impress you mentally.
You seem distant to some - but it's usually because you're deep in thought. Those who understand you best are fellow Rationals.
In love, you tend to approach things with logic. You seek a compatible mate - who is also very intelligent.
At work, you tend to gravitate toward idea building careers - like programming, medicine, or academia.
With others, you are very honest and direct. People often can't take your criticism well.
As far as your looks go, you're coasting on what you were born with. You think fashion is silly.
On weekends, you spend most of your time thinking, experimenting with new ideas, or learning new things. |
Hahahahaha! Yung mga last part sobrang totoo! You Have a Melancholic Temperament |  Introspective and reflective, you think about everything and anything. You are a soft-hearted daydreamer. You long for your ideal life. You love silence and solitude. Everyday life is usually too chaotic for you.
Given enough time alone, it's easy for you to find inner peace. You tend to be spiritual, having found your own meaning of life. Wise and patient, you can help people through difficult times.
At your worst, you brood and sulk. Your negative thoughts can trap you. You are reserved and withdrawn. This makes it hard to connect to others. You tend to over think small things, making decisions difficult. |
Ito rin! hahaha scary!
||'| still waiting @ 9:42 AM |'||
bagong title ng blog!
From now on I declare this blog to be the Constantina and Pearlfields blog! Hahahaha! Tama ba na tayo lang dalawa yung nagpopost dito? Sana ngayong summer break magpost na ulit ang ibang members natin! :D Nagreresearch rin ako kung paano maglagay ng blog skins para gumanda naman ang itsura ng blog natin! Pearlfields, gamitin mo na lang yung reply ko sa Atenista at yung email niya! Hahahaha! :P Haaaay! Alam niyo ba, sobrang stressed ako ngayon dahil sa play namin sa english na 20% ng grade namin! Ako kasi yung sounds person (haha wow grabe, di nga actor tas sobrang stressed na) at sobrang kailangan ko talagang iexacto sa pananalita nila yung music at magpalitpalit ng tracks in mga 10 seconds! Grabe! Kakastress! Ang sama pa ng pakiramdam pag nagkamali kasi ikaw yung naghohold-up sa kanila! Grrrrr! Tas yung speakers (laptop speakers) ng kaklase ko, parang sira kasi minsan magstastatic-static at mawawala bigla yung sound kahit naka todo volume! E di siyempre akala nila pinaglalaruan ko! Grrr! Buti na lang malayo ako sa speakers nun!
||'| still waiting @ 8:37 PM |'||
when the dogs do find her....
hey constantina1 ndi ko pa nga napapanood MOAG eh! grr! dahil noong sabado, my mom and i were supposed to go kaso lang she had to take care of keisha...grrr! pero dahil sabi mo na sayangsa pera, i'll just borrow the dvd from roxanne.... ....and i did not enjoy that moment...dahil nakakahiya! it was more of nakakahiya kasi ba naman noh sa buong psych population daw ba i-announce! and besides, ndi naman pinansin ni Mr. Psych candidate co-let starts with letter t....at sa harapan pa ni wacky! malay mo kilala niya pala ako...ahahahaha! wish! ...lam niyo bang pinapagawa kami ng blog ng prof ko sa eng 10 sa friendster? tungkol sa 1017...sana noh blogspot na lang or kung anuman basta ndi friendster! ....meeting de avance kanina...madugo at grabe sobrang barahan!....yoko ng ganun ever! when the dogs do find her, got time, time, to wait for tomorrow..... :P
||'| still waiting @ 5:23 PM |'||
ugh pangit!
Nanood kami ng ate ko ng MOAG nung biyernes, at ANG PANGIT niya! Para sakin ha. Muntik na akong makatulog! Ang pangit! Sayang pera, grrrrr! Come on pearlfields, kunwari ganyan ka pero YOU KNOW you ENJOYED na inaasar ka. Hahahahaha! Admit it! Pinagpalit mo nga sakin e! :P At woho pare, totoo ba yang binabalita mo sa kin? Parang di ako makapaniwala? Totoo? Pwera biro? Hahahaha ang sama natin no? At no regrets no! :D Pero totoo yung isang sinabi mo, ineexpect ko nga na yung pinsan ni Mirage makakapuntang Dil pero hindi pala! O well.
||'| still waiting @ 10:25 PM |'||
karugtong ng freaky freaky comp lab
actually kaya ndi niyo maintindihan ang nakalagay dun ay dahil sa freakin freakin comp lab namin sa as....kasi naman noh....nakikita ko lang yung sa title...pwede ako mag-type pero ndi nakikita sa screen yung tinatype ko...grrr! hey constantina...kapal nga ng 06...sinong nagsabing what was that? 62%? mas marami ba batch nila kesa satin? pero nakapagtataka kaya....kasi maraming akala mong papasa ay ndi pumasa o pumasa pero sa ibang campuses at mga feel mo ndi papasa ay pumasa! hello!!!!!! si peter kaya ay pasado sa diliman--chem eng! ang lupit! grabe...so constantina....nireregret mo bang sinungitan mo siya nung "shall we dance?" moment of your lives? :P may ibabatbat din pala ang terpe! akalain mo! ahahahaha! grabe kahapon sa mr. and ms. psych....isa lang naman si wacky sa mga nag-judge at nasa baba ko lang naman siya (as in nasa stairs ako nakaupo tapos siya sa table beneath the stairs...at ilang beses kaming nagtinginan....o di ba? at mas marami na ang nang-aasar sa akin sa buklod...kay mr.psych candidate co-let starts with letter t.....at tama ba naman bang batchmates ko ay inaasar na rin ako sa kanya! ewan talaga kung pano umabot sa kanila yun na inaasar ako sa kanya sa org...at tama bang isigaw ang pangalan ko habang talent portion at kumakanta si mr. psych candidate co-let starts with letter t ng seasons of love?!? at sa harapan pa ni wacky!!!!!!!!!! kapalmuks!! wala silang karapatan!!!!!!!!!!!!! grrr!!!!!!!!!! yun lang..... :P
||'| still waiting @ 10:26 PM |'||
kapalmuks!
Hey guys, lam niyo ba passing rate pala natin sa UPCAT ay 49%? Hahahahaha! Ang baba! :D Oh well, masaya ang batch natin. At tinatanggap naman natin, hindi katulad ng susunod na batch satin na nagkakalat na 67% daw sila! Hello! Hindi no! Ayon kay Ma'm Stella (dumaan ako sa IS kanina), 52% lang! Inis sila grrrrr! Nataasan nga tayo ng 3% pero hello, at least hindi natin dinadagdagan ng 15% ang passing natin! :D
||'| still waiting @ 6:39 PM |'||
freakin freakin comp lab!!!!!!!!!!!
wow...ndiaomaapag-typedaisafreaincomabcomputer
||'| still waiting @ 4:41 PM |'||
critique on sp....
Maraming nagtatanong sa akin kung ano ba talaga ang naitutulong sa akin ng buklod-isip at kung ano pa ba ang nagpapatuloy sa akin sa pagsali sa pagsali ko sa buklod. Sa totoo lang, ang daming nabigay sa akin ng buklod, tulad na lang ng mga bagong kakilala, mgabagong karanasan, mga bagong pananaw sa mga bagay-bagay, at lalung-lalo na ang pagkakaroon ng bagong kaalaman sa isang mahalagang konsepto--ang Sikolohiyang Pilipino o ang SP. Masasabi kong naging mahalaga sa akin ang SP dahil marami akong napulot galing dito na kung iisipin, ay instrumental talaga sa pagatao ko, bilang isang Pilipino. Dahil sa SP, mas naintindihan ko ang ang pagkilos ng mga tao sa lipunan ayon sa kanilang pinanggalingan. Dahil na rin sa SP, mas lalo kong na-appreciate o ninamnam ang aking pagka-Pilipino, kumbaga mas naging proud ako na Pilipino ako. Dati kasi, passive lang ako sa mga nangyayari sa lipunan. Oo, siyempre nag-rereact ako sa mga pangyayari pero hindi ko iniisip ang kahalagahan nito sa akin, na dahil wala namang direktang epekto sa akin ang pangyayaring ito, hindi ko na pagtutuunan ng isip, parang wala lang nangyari. Pero ngayon, mas naramdaman ko na na kailangan kong hindilang maging aware sa mga pangyayari ngayon sa bansa ngunit kailangan ko rin itong iugat sa sarili ko, at sa iba pang Pilipino sa Pilipinas at sa ibang mundo. Na- realizeko dahil sa SP na wala na ngang makakatulong sa atin kundi ang mga sarili natin. Ikaw mismo ang kailangang gumawa ng pagkilos para maabot ang anuman ang gusto mong abutin. At tulad sa lipunan natin, kung lahat ay kikilos, makakatungo tayo sa pangkalahatang goal natin. Hindi lang tayo dapat umasa sa iba para magkaroon ng kaginhawaan sa buhay, at hindi rin tamang ipaasa natin ang mga taong nangangailangan ng tulong. Masasabi natin ngayong malaki ang hatian sa lipunan, sa pagitan ng masa at elite, samakatuwid, kailangan ang dalawang sektor na ito sa lipunan ay parehong kumilos upang kahit papaano ay mapaliit ang hatian na ito. Ngunit isa lang ito sa mga naibigay sa akin ng SP. Dahil na rin sa SP, mas natuto akong maging observant at mas ine-evaluate ko na ang mga bagay bagay na nagaganap sa araw-araw at iniisip ko kung paano ko ito mai-rerelate sa pagiging Pilipino ko. Tulad na lamang ng mga leksyon ko sa loob ng klasrum, sa ngayon, masasabi kong mas nai-sysynthesize ko na ang mga ito at tinitingnan ko kung may konsepto ba sa SP na maaari kong i-relate dito. At dahil dito, mas na-aabsorb ko na ang mga leksyon ko. At ngayon, natutuwa ako dahil nai-shashare ko ang mga napag-aaralan ko sa SP sa mga kaibigan ko, sa mga kaklase ko at peti na rin sa mga magulang ko. Dahil may previous knowledge na ang mga magulang ko sa SP, nakakausap ko sila sa mga ganitong bagay (at kung minsan ay nire-relate pa ng nanay ko ang SP sa sining, bilang isang propesor sa FA ....hehehehe...). Para sa akin, naii-stimulate nito ng mas mabuti ang aking utak at kahit na mababaw lang ay natutuwa pa rin ako dahil lahit papano, nakikita ko namang positibo ang feedback ng mga kaibigan ko tuwing may naikukuwento akong natutunan kong konsepto sa SP, at sa tingin ko ay naniniwala sila dito. Sa mga kids, marami rin ang nagtatanong kung naniniwala ba ako na may SP ba talaga. Sa totoo lang ay i find it strange kung bakit pa nila kailangan itong tanungin ito. Hindi ko kasi akalain na marami palang naniniwalang non-existent ang SP, ngunit ipinapakita lamang nito na talaga nang marami ang naiimpluwensahan ng kanluraning pag-iisip. Kahit pa noon kasi ay inisip ko na na ay SP dahil kung may sikolohiya ang ibang bansa, inisip ko na may sikolohiya rin tayo. Siguro nga lang ay hindi established at dahil sobrang common or innate na ang sikolohiyang ito sa atin, hindi na lang ito na-didistinguish ng mga tao from other psych. Somehow ay hindi ako na-surpresa na may sikolohiya ang mga Pilipino at ito nga ang SP. Pero nalaman ko nga na napakalalim pala ng inugatan ng ating sikolohiya, at iyon siguro and ikina-surpresa ko. Isa pang naging benefit sa akin ng SP ay natulungan nito akong ma-realize na ang perspektibo ng kapwa ko ay mahalaga rin, at hindi lamang ang perspektibo ko ang mahalaga. Nakita kong mahalagang tingnan ang mga bagay-bagay na hindi lamang ang sarili mong opinyon ang ginagamit mo ngunit pati na rin ang opinyon ng iba upang magkaroon ng mas mabuting understanding sa mga bagay-bagay. Naipakita nito na mahalaga ang iyong kapwa, at hindi lamang ikaw, bilang isang indibidwal ang i-consider mong mahalaga dito sa mundo. Mas nakita ko ngang sa konsektong Pilipino, hindi mo maiaalis ang pakikipagkapwa natin. Pinapahalagahan natin ang pakikipagkapwa, ang bayanihan, ang pagsanib ng sarili sa iba. Lagi ko ngang pinag-iisipan dati na kung ako ba ay tumira sa Estados Unidos ay magiging mas individualistic ba ako at independent. Sa tingin ko ay kapag sa simula pa lang ay tumira na ako sa EU, ay malamang ay oo dahil ang na-instill sa akin ay mga Amerikanong values at siguro ay naging Americanized ako. Makikita kasi natin na magkaiba talaga ang ating kultura, at isa na nga sa pagkakaiba natin sa kanila ay mas pinapahalagan natin ang ating kapwa at hindi natin maihihiwalay ang ating sarili sa ating kapwa. Kung mahihinuha natin sa SP na hindi natin maiiaangkop ang napakaraming konseptong Kanluranin sa atin bilang mga Pilipino, naaasar ako dahil hanggang ngayon ay pilit pa rin tayong ginagawang mga tuta ng mga Kanluraning bansa na ito, lalo na ang Estados Unidos. At mas lalo aking naaasar dahil hindi pa rin nating ma-resist ng tuluyan ang mga impluwensyang nanggagaling sa kanila. At higit sa lahat, unti-unti nilang niyuyurakan ang isipan ng mga Pilipino dahil tinuturuan nila tayong mag-isip ng kung paano sila mag-isip. Hinahayaan nila tayong maging mga robot nila upang maging mekanikal ang ating pag-iisip at sumunod na lamang sa kanila. Hindi ito nakakabuti sa atin dahil kung ganito na lang ang mangyayari parati, mas maganda pang sabihin nating tayo ay mga Amerikano at hindi mga Pilipino. Dahil kung pare-pareho na lang tao mag-isip, kumilos, manamit, a iba pa, wala ng halaga ang ating kultura, kasaysayan at sikolohiya. Hindi ito mapagpalaya. Dahil sa SP, natuto akong marami pa tayong dapat gawin, bilang mga Pilipino upang mas itaguyod ang diwang Pilipino at upang mas kilalanin pa ito sa susunod pang mga henerasyon.
||'| still waiting @ 10:30 PM |'||
reply....quick lang! :P
yes, constantina! kung pagbabasehan ang 1017....huli tayo! ahahahaha! but gme can never read this blog, we are basically unknown anyway....! besides, i have my rights... i have the right to think for myself, and that means that i can decide for myself whether i agree to her freakin proclamation or not! take that gma! you're the tuta not us! ahahahaha!..... alam mo bang nandun ako nung tuesday night sa quezon hall? pero hanggang mga quarter to seven lang...ehehehehe! :P fade into you.....strange you never knew.....fade into you.....i think it's strange you never knew.....
||'| still waiting @ 10:18 PM |'||
news update balita!
Pearlfields, grabe ha! Invited ba kami diyan? Hahaha, joke. Pero lam mo ba, malapit lang ang Sto. Domingo samin kaya.... *gatecrasher* :D Hoy, sabihin mo nga sa kuya mo na dito na lang sila noh! Pasikat na nga sila dito aalis pa! At grabe pare, aabangan ko yang theme ng PBB Teen Edition ha! Sana maganda! Haha joke lang. Siguro naman oo. Hehe ye naman ang essay! Inciting to sedition na ba itetch? Haha under PP 1017 dapat huli na tayo diba? Wala akong paki! Grrrrrrr talaga yang 'presidente' natin! :P
||'| still waiting @ 7:51 PM |'||
walang hiya!
grabe! 16 pairs ang ninong at ninang ni keisha, so 32 yun!....grabehan na ha! at gagastos daw ang aking kuya dear ng malaki MALAKI (ndi ko na sasabihin ang value) para sa binyag niya.... april 2 daw, kasabayng wedding anniv ng nanay at tatay ko...some kinda posh, pare....sa sto. domingo ata ang binyag at somewhere ang reception, at yung reception na yun ang gagastusan ni bro dear ng malaki.... AT ang mga bandmates niya at si Wacky ay ninong...yes naman keisha! at..... mag-reresign na si bro dear sa kanyang job...para si karen daw ang mag-trabaho...at dahil busy-busyhan sa bloomfields...at sobrang laki na kasi ng nakukuha niya dun...esp sila na kasi ang magthe-theme song ng pbb teen edition...ndi ko pa nasasabi yun noh? sorry! nakalimutan ko.... at dahil may kumukuha ata sa kanila sa hawaii...some kinda contract...at baka daw dun na sila sumikat sa states...personally, ayoko..... siguro lam niyo naman kung bakit di ba? haay...kung ganun, 2 na sa mga kapatid ko ang titira sa EU.....grrrrr..... call me! text me! blog me! ym me! email me! friendster me! whatever me! basta talk to me!!! miss ko na kayo promise!!!!!!! as in promise!!!! sana gamitin naman natin itong blog para mag-updating.....dahil gusto kong malaman ang mga nangyayari sa buhay niyo...esp to mirage and _10!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! wah! miss ko na kau!!!!!!!!!!!!! :P
||'| still waiting @ 6:23 PM |'||
|