Title: ??? [_10]
waha! thank you sa special mention pearlfields... ikaw naman, baka naman busy sila kaya hindi sila makapag-reply... easy lang...magre-react lang ako sa feminism speech mo... naga-agree ako sa'yo... feel ko nga minsan ang OA na lang ng iba mag-react tungkol diyan tapos mali naman ang message na nare-relay. hindi nila alam mas pinapababa pa nila ang tingin sa mga babae... campaign period na rin ba sa diliman? kasi samin oo... magkukuwento lang ako ng nangyari sakin kanina. Medyo maaga kasi ako dumating sa school kanina, siguro mga 15-20 mins before my first class. My plan was to stay outside my room and to wait 'til the start of the class. Kaso, on my way there, nakita ko from afar na may mga nangangampanya. Sabi ko sa sarili ko maglalakad-lakad muna ako kasi ayaw kong ma-corner nila. Siguro after 10 mins bumalik na ako dun sa labas ng room namin. Nag-indian sit ako sa floor, wala akong kasama. Tapos, biglang dumating ang isang partido, hindi ko na maalala kung ilan sila, basta around 6-8 persons. Tapos nag-greet sila sakin at sinabi nila ang sari-sarili nilang "hi! i'm ____, running for_____." Okay lang naman nung una, pero isipin niyo, naka-upo ako, naka-tayo sila. Lahat sila nakipag-shake hands sa akin. Siyempre, todo smile ako, not to be rude or anything. Tapos naalala ko medyo low neckline ang damit ko, hindi naman plunging(haha!!) pero i know na low enough to see materials underneath (wahahahah!) if one's standing, looking down at me... Pinaglalaruan ko tuloy yung damit ko sa may necline habang ginagawa namin ang shakehands session... Hindi ko alam kung mahihiya ako o hindi dahil puwede namang walang nakapansin na puwede pala nila ako masilipan... Hahaha!Baka umuwi ako sa Zambales w/ my tita this weekend. Meron kasing dalawang project na kailangan ko talagang personal na puntahan... Aaaarrrggghhh... Nakakainis lang kasi ayaw ako samahan nila Mama... Mag-isa lang tuloy ako... :(
||'| still waiting @ 8:56 PM |'||
talent part...pearlfields
lam niyo ba? practical na namin sa chem lab sa friday...dapat last friday eh na-move at buti na lang na-move! siyempre di kopa rin alam kung pano gumamit ng bunsen burner...ahahaha...anything that has got to do with fire eh di ko ata alam gawin tulad ng pagbukas ng kalan...at ayokong gawin! anyway...alam ko kasi na yung prof namin nagpapa-talent station...for two minutes ata yun...eh kamusta naman yun di ba? tapos ang alam ko pa, dapat naririnig ng buong class kung kakanta ka...eh siyempre kamusta naman ang talents ko noh? malamang ang magagawa ko lang ay pagkanta...kahit na di ko yun talent...hello ba naman? kaya ndi pa rin ako nakapag-decide kun anong kanta ang kakantahin ko...gusto ko yung klala naman para naman maka-relate classmates ko, ang pangit naman ata pag ako lang may alam ng song...pero alam naman natin na ang mga alam kong songs ay di ganun ka-common...at parang ayokong kumanta ng love song dahil baka nasa harapan ko lang si sir habang kumakanta ako di ba? ang hirap din kasi yung mga ok na songs mga lalaki yung kumanta eh wala rin yun sa range ko...ahahaha...kaya tulungan niyo ako!!!!!! hoy constantina! bakit di na kita nakakausap? di mo rin nireplyan ang karami-rami kong messages eh line ka naman men! promise! wala talagang nag-rereply sakin pagnagtetext ako except si _10, buti pa si _10....ahahahaha! :) basta tulungan niyo ako!!!!! tapos naisip ko lang..parang ang daming tao na sobrang caught up sa pagiging peminista...sa equality blah blah blah...pero gusto nila na i-treat ang mga babae with more respect than men, tapos yung ladies first, tapos kung may hinahawakan kang mabigat, gusto mo lalaki ang nagbubuhat, tapos basta..the other demands they make..eh if you're doing that hindi ba you're making yourself truly the weaker sex...kasi if equality really exists then chivalry should not exist in any form kasi lahat kayang gawin ng babae, or kung kaya nga nila, dapat you do not demand for men na gawin nila ito para sayo...kasi ang nangyayari parang nagiging ikaw yung chauvinist pig...feminist pig... the thing is..i do believe in feminism..pero kasi..tulad ng believing in chauvinism, sometimes, we take it to the extreme that i think binababaan na natin yung tiingin natin sa other sex...i do not think that being a feminist quAlifies you the right to look down on the other sex...you believe in the many strengths of a woman that qualifies her to be treated as an equal of any member of the other sex...it is not about being the dominant sex...actually dapat nga gender (kung kukunin mo sa word na feminism)....naiinis kasi ako sa mga taong "peminista kasi ako eh" tapos nagdedemand sa mga lalaki na buhatin yung ganito ganyan, nagdedemand na gawin yung more physical stuff...common...pero syempre it's just me di ba? tapos naiinis ako ha...what the hell is james yap beng sorry for? eh kala ko alang nangyari? eh bakit galit si kris? eh wala raw nangyari? anlabo! nyway...isa pa...hehehe...i keep referring to mysel as a spectator ion....hahahha kasi naman sometimes napeperceive ko naman na some tasks are better pag onti lang ang taong involved. at madalas wala ka ng lugar sa isang task o kaya naman, ayaw mo yung mga kasama mo/ ayaw ka rin nila, pag nasa kanila yung materials, di ka nila tatawagin at ayaw mo namang ipagpilitang isali ang sarili mo di ba? hmm...parang ang mga ito ay laging nangyayari sakin sa chem...especially sa pagiging monitor tulad ngayon...hehehe...ang yabang nila kasi eh...and i so don't like them! i mean freshies lang sila at bs psych pa...advantage nila? pagiging mayaman, pagconyo conyo, todo english pare! well sa pagiging mayaman, i'm sorry, walang laban...pero prinomise ko sa sarili ko na yayaman ako balang araw! ahahahaha at sa pang-conyo/english, wanna make tabla tabla pare? hahahaha at ito pa ala....may rason ako sa pagiging stalker ko...kasi noh, bilang mag-aaral ng sikolohiya, na kung saan ang pag-obserba ay isang mahalagang skill upang mai-develop, sa tingin ko ay nagiging practical ang pag-stalk dahil sa pag-obserba ng behaviour ng tao, mas na-prepredict mo malamang ang behaviour ng isang tao, na isa sa mga goals ng sikolohiya...ahahaha ayoko na nga ang haba na...kayo naman post...
||'| still waiting @ 7:13 PM |'||
love to hate, hate to love[_10]
title?? wala lang kasi narinig ko lang na sinabi ni Santino (project runway) yan...hehe...
napapadalas ang pag-post ko dito ha...pero parang hindi ko naman kayo mahagilap... well, sabi nga ni pearlfields ay maraming ginagawa ngayon... ako din kaso, nakakatamad gawin...
bakit wala akong balita kay starshine?? Sent her messages from time to time, pero walang reply... Nag-iba na ba siya ne number???
Ano bang pinagkaka-abalahan niyo bukod sa school??
Share ko lang yung mga current series(drama/reality) na pinapanood ko... What I mean by 'current' is, it might be finished airing pero hindi pa uploaded lahat ng episodes kaya hindi pa tapos o kaya hindi pa talaga siya tapos o kaya wala pang subtitles kaya nakatambak lang ang raw(un-subtitled) files sa computer, o kaya nawalan lang ako ng interes na tapusin siya at pinipilit ko lang ang sarili ko...
1) Goong S/ Prince Hours [korean] watched up to ep8, downloaded 12 eps, waiting for subs to come out
2) HanaYoriDango Returns (season 2) [japanese] watched up to ep 7, waiting for harsubbed files add'l info abt this>>> ito yung live action ng manga if i'm not mistaken, so parang jap version siya ng meteor garden (pero para sakin mas cute HYD kaysa meteor graden ^_^)
3) HanaKimi [taiwanese] watched up to ep 6, waiting for hardsubbed files
4) What's Up Fox [korean] watched up to ep 4, i was watching this on DVD but I somehow forgot about it for a while but i will absolutely finish this given the time..
5) One Tree Hill (season 3)[am] i have a copy of this on DVD, haven't finished watching season 3, i already forgot up to which episode i have finished watching...tapos airing na yung season 4... arrrggghh...
6) Project Runway (season 3)[am] i've seen the first episiode, but I am not sure until which episode etc aired kasi i'm not sure kung replay lang yung napanood ko...
actually marami pa akong ibang jap/kor series na hindi ko pa tapos pero hindi ko linagay kasi wala pa akong balak tapusin yung mga yun...baka sa susunod...
yun lang...hehe... :)
||'| still waiting @ 5:06 PM |'||
detox??!!! [_10]
kakatapos lang kanina ng exam namin sa history 3>>>> religion... kainis yung type ng exam ganito... may dalawang questions na ipapabunot, tapos from those questions pipili ka lang ng isang gusto mong sagutan... sounds easy?? naahhh!!! siguro mga around 4 religions yung covered ng exam na yan... tapos yung mga tanong na ginawa ng prof namin ay puwedeng objective at pwede din hindi.... kaya sa dami ng puwedeng matanong, possible na wala sa mga pinag-aralan ko yung mabunot ko... pero buti na lang nasagutan ko yung nabunot ko... nakaka-inis lang na nagkabisa pa ako ng madaming terms, gumawa-gawa pa ako ng reviewer tapos hindi rin pala magagamit...pero at least naman na-aral ko yung mga posibleng matanong...
nung pauwi na ako, my plan was to sleep, then watch tv, eat, tapos sleep ulit hanggang dumating ang bukas...haha!!
KASO.... pagdating ko ng bahay, sinalubong ako ng nanay ko ng hindi naman masyadong madaming gagawin...
1) pinapa-vacuum niya sakin yung kuwarto ko kasi sobrang dumi na daw haha! aminado naman ako.... feel ko nga nagkakasakit na ako dahil sa sobrang dumi ng room ko
2) pinapa-ayos sakin ni mama yung closet ko kasi hindi ko pa nalalagay yung mga damit na naplantsa na (w/c is naka-stack lang sa labas)tapos madadagdagan na naman kasi kakatapos lang maglaba waaahh! ito ang isa sa mga ayaw kong gawin kasi kailangan mo pa i-sort ang blouses from shirts, shorts from long pants, pang-alis from pambahay.... ayoko na!!
3) ayusin ko daw yung mga cds ko na nakakalat sa kuwarto... ito nakakatawa kasi para nang headquarters ng mga pirata ng CDs yung room ko... nakakalat lahat...CDs, CD sleeves, spindle cases, CD notebooks (tama ba yung term ko??), pang label ng cases (those label stickers chuchu), permanent markers (pang-label ng CDs)...
4) yung mga papel ko na for school ayusin ko daw para lumuwag yung lalagyanan ko.... totoo ba ito? may papel pa pala ako na pang school... nag-aaral pa pala ako...hehe.... ito hindi ko talaga gagawin siguro next year na.. hahaha!!!
mukhang konti lang yan...pero matagal talaga gawin yan lalo na yung sa CDs ko.... matagal-tagal na rin kasing hindi naaayos yung mga yun kasya sigurado maraming nailagay sa mga hindi dapat kalagyan... :)
anyway... nag-post lang ako, as a breather from all those utoses...
ei...updates din sa inyo ha...si Mirage hindi ko na nakikita dito at si Starshine din pala.....
||'| still waiting @ 3:39 PM |'||
ito yung sa inyo... [_10]
hindi ko sure kung na-try niyo 'to... i used your pics na nasa files ko... yung iba wala talaga ako makitang picture kaya..kinuha ko na lang sa ibang pic kahit nde solo... sorry talaga kung may magagalit... sabihin niyo lang then ie-erase ko... 
||'| still waiting @ 3:05 PM |'||
star look alikes.... [_10]
i'll try looking for your look alikes... haha! i think this is really funny.... sana walang magalit.. :( here's mine...
||'| still waiting @ 3:00 PM |'||
post-valentine's pearlfields
hmm...past 8 na di pa rin nag-aaral sa chem...kasi the truth is, i am really really sad simula pa kahapon... I'm on my knees only memories are left for me to hold Dont know how but Ill get by Slowly pull myself together Theres no escape So keep me safe This feels so unreal Nothing comes easily Fill this empty space Nothing is like it seems Turn my grief to grace I feel the cold Loneliness unfold Like from another world Come what may I wont fade away But I know I might change Nothing comes easily Fill this empty space Nothing is like it was Turn my grief to grace Nothing comes easily Where do I begin? Nothing can bring me peace Ive lost everything I just want to feel your embrace --grace by kate havnevik **current song na nagfi-fit sakin ngayon.... kasi andami na namang na-realize...andaming factors...ayoko na talaga...and i do hope na kaya ko nang totohanin...i'm sick of this...sabi ko na this would happen...pero why did i go there? it was such an eerie feeling, nakakaiyak pero ndi talaga ako makaiyak kasi parang ayoko na rin...coz duh...i won't say that all that happened was wala lang dahil hello, kung wala lang yun i wouldn't have made all that fuss...grabe lang talaga ako ma-obsess..tapos i feel na ndi talaga siya yung taong inimagine ko...eh galing lang naman sa mga quotes niya yung mabubuo kong tao di ba...di naman kami nag-uusap...dati oo pero sa tinagal ng nakilala ko siya, mga 1/4 lang nung time na yun yung talagang nag-uusap kami..one thing i realized about him though is that he's really nice at may decency siya na pagtiyagaan ako (hehe), siguro nakulitan din siya sakin at siguro naisip niya rin na ano ba to? ba't to may crush sakin? pero at least hindi naman niya sinabi kina jaric/adrian or whoever di ba? hindi rin niya ako tuluyang nilayuan...soobra rin naman ako eh...yuck..ininvite ko pa siya nun...nakakahiya...eh ni wala man lang siyang pinahiwatig na intensyon niyang whatever it was that came to my head...i mean i guess wala lang sa kanya yun eh ako naman si miss sobrang na-excite, todo respond naman ako nang di naman necessary...sige lang ng sige...jump into conclusions...matatawag mo bang ka-close mo yung isang tao pag nag-uusap lang kau through quotes sa text? parang timang talaga...pero yun nga, kind ba talga siya o wala lang siyang pakialam? hay ewan..why do i even bother? that's not what's even important now...what's impoortant ay makapasa ako ng chem at yun! makapasa ako ng chem at makakuha ako ng mataas sa major ko...yun na muna for now... eew tlaga, mga groupmates ko inaasar ako, for no reason at all, sa prof kong 30++ years old na...eeewww!
||'| still waiting @ 8:18 PM |'||
ang pagbabalik ni constantina
Pambihira yung araw ko kahapon. 1) Sa Microbio Lab practical test namin, nabunot ko yung pinakamahirap na 'situation', at C+ lang ako. Baka akala niyo na ineexcuse ko lang yung sarili ko pero parang hinde e... Yung blockmate ko na galing PSHS at henyo sa lab C+ o borderline B lang. O diba? 2) Dahil nanganak yung prof namin sa Microbio Lec, leave of absence muna siya. Ok. Good news: Yung teacher namin ngayon sa lab na gusto namin yung magtatake-over sa lec namin. Bad news: Yung General Bio prof namin na sobrang manyak, sabog, ang mga long tests ay A o F, at hindi marunong magplano ng experiment yung bagong lab prof namin. Bwiset! 7 pa yung lab sessions namin, kaya walang takas! Kainis, sobra! Sa lahat ng puwedeng maging prof namin, bakit siya pa! ~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~* pearlfields korni! Di puwede sa Feb 14! Para may labas naman ako kahit papano sa araw na yan, hahahaha. Magpopotluck kami ng blockmates ko ng lunch kaya ok lang rin. At, gusto kong iannounce sa inyo na may date ako sa gabing yon.... yung Leithold ko. :p Long test kasi sa Math sa susunod na araw! UP Fair tayong lahat sa sabado, ha!
||'| still waiting @ 7:14 PM |'||
paolo nutini, psych, fair at chem...pearlfields ito...
ahem mirage...up fair...ahem..feb 14..ahem...hmmmphh! proposal defense pa rin an aking problema at shempre ang chem exam din sa next saturday na! grabe ang bilis! lam niyo ba, yung chem lec prof kopala angg coordinator ng chem16 this year and man does he suck! kaka-probset lang namn ng tuesay and there was a whole lotta things na ndi niya tinuro...and chem lab was all like "hindi yan naturo sa inyo? sana nag-cocomplain kayo" eh kami naman "pano kami mag-cocomplain nang ndi namin alam ang i-cocomplain namin?''...i mean duh, how am i supposed to knoa kung ano ba talagang dapat na ituturo samin ng teacher namin? isn't that my teacher's job?!? anyway...enough about chem...the real reason why i blogged is actually for me to escape chem for awhile (i promise i;m gonna read later ok? just gimme a second!). hay! i am so so tired! kanina kas yung exam sa psych at soobrang hirap! ang haba haba pa! i wasn't able to finish kaya i already lost 20 + points...ang nakakaasar pa eh i think i really really could have answered the parts that i've missed kung ndi lang dahil wala ng time...grr! i got that part already! i knew what to answer! just didn't have enoguh freakin time! grr! kasi that was like writing a whole report..as in yung report ng isang xpt, results, hypothesis, discussion, methods, stat test, etc. (yung parang pinaikling pinaikling thesis)...grr!!!! pero the really good news eh bumalik na yung replication paper namin na ako yun main author sa group and i got a high score!...actually ndi ako ang main author, ako talaga ang author sa group...binigyan lang ako ng groupmates ko ng link sa ganitong site for review of lit., tapos pina-run ko lang yung stat test at sakin pa nanggaling yung directions kung pano (dahil sosyal kami at may program kaming ginagamit...kai hindi ako marunong ng manual computation hahahaha)...sa groupmate ko pina-run dahil wala ako nung program na yun...tapos tinulungan lang nila ako konti sa pag-edit, paglagay ng konting support sa results..ayun lang..not really a group effort..peroi'm not complaining naman...isa ata ako sa highest or maybe ako yung highest so i'm really really happy! and 60% of the grade is mine! kasi ganun yun pag kaw yung main author... ang saya ng feeling kasi feel ko andamiko na natutunan at naiaapply ko nang tama...feel ko eh mas na-hone pa yung pagsulat ko, kahit na pagsulat ito ng mga psych stat churva at hindi yung usual journalism, creative writing eklavu....at take note! tagalog yun! :) tapos natutuwa ako kasi ang galing galing talga ng prof ko sa psych ket na sobrang hirap niya magpa-test at mas naging demanding ang subject dahil sa kanya... hmm....i am really really so obssessed about paolo nutini!!!! i really like his song last request na ewan ko ba kung bakit ngayon ko lang dinownload...at dahil dun...sobrang nalss ako! at hanggang ngayon sobrang lss pa rin! tapos maganda rin yung iba niyang songs...and i like him din pala kasi sobrang soulful ng boses niya at sobrang feel niya at nakaka-move (nevermind yung ibang lyrics)... nagbasa ako ng blog ni sparky (Ja**s) at nagtatagalog na siya ngayon...natatawa ako kasi kung magsulat siya sa tagalog sa blog parang ako, except mas conyo siya...
||'| still waiting @ 9:29 PM |'||
fair na naman
guys, fair na naman.how i wish i could go.gusto ko tlga. hay.basta ha, pag punta kayo ng feb14, bili kau sakin ng tickets.ung sinasalihan ko kasing org.:ce, ay sila ang organizer kasama ang emc2..ahem.pearlfields...di ba pupunta ka?ahahaha. ui punta rin kau. hehe. miss you all except pearlfields.hehe.kasama na kita lagi eh.
||'| still waiting @ 7:52 PM |'||
hmmm (pearlfields)
never leave your heart alone.... natatawa ako....kasi nagsstick talaga sa head ko yung nabasa ko sa reader's digest, most of them i already knew prior to my reading it...ahahahaha...alam kong alam yun ni constantina...natatawa ako especially sa part na kapag nakasama mo daw yung someone of the oppostie sex sa isang pangyayari na basta mataas ang level ng arousal mo kahit hindi naman talaga sa kanya ikaw naaarouse...halimbawa, kapag sumakay kayo ng rollercoaster....na-tratransfer yung feeling mo na iyon sa kasama mo kaya mas na-aattract ka sa kanya...wala lang...natatawa ako...i was with someone kanina, although i do not believe that the situation we were in did not cause any shooting up in my level of arousal, pero just the same...hmmm....bahala na kayo magtuloy ng thought...ahahahahahahahahahaha.... anyway, nakita ko na yung sinasabi ni gori na kamuka ko daw sa friendster (na ndi naman mashado dahil singkit siya) at yung tao daw na iyon ay type na type ni ka-schoolbus before na starts with letter L...nagtataka si gori bakit di daw ako type ni L kung type niya si someone sa friendster na kamuka ko raw... hmm...wish ko lang dapat may plano ako sa feb 14 noh...sana naisip ng mga prof ko na gusto magkaroon ng social lives ang mga estudyante nila, especially on feb 14 noh...grrness...i need to watch the fair on wed!!!!!! jerick would wanna see me...hahahahahaha! i should probbably dilate my pupils more often...the reason? ask constantina! or refer to reader's digest, this month's edition... valentine's is so not my favorite holiday!!!!! m.r.? tanging lalaking nagbigay sakin ng mga rosas? bakit wala nang ibang lalaking tulad mo?!? ibig sabihin mas maganda ako nung grade 7 ako kesa ngayon?!? well..ang masasabi ko lang, mas payat ako dati...pero ganun na ba kalaki ang itinaba ko?!? ahahahaha!
||'| still waiting @ 4:43 PM |'||
lss pearlfields
baby don't waste your time i know what's on your mind i may be qualified for a one-night stand but i can never take the place of your man... --I can never take the place of your man by Jordan Knight hahahahaha in fairness gusto ko yung song na ito...
||'| still waiting @ 3:36 PM |'||
yehey!!!!!!!!!! i'm back! pearlfields
matapos ang isang linggong pagluluksa dahil hindi maka-post....yehey!!!!!!!! ang saya saya! wala kaming chem kanina hahahahaha! alam niyo ba? kanina kasi, yung ka-org ko, who knows about jerick, bigla ba namang kinuha yung cell ko tapos sabo niya che-check ko lang si jerick...sabi ko wala na nga..tagal na kaming di nag-tetext...tapos ba naman dapat ite-text niya si jerick ng "musta na?" tapos ako naman nagsisigaw ng "ate charm! ate charm! pakikuha yung cellphone ko kay poring!" kasi ndi ko maabot kasi nilalayo sakin ni ka-org...tapos ndi kinukuha ni ate charm (akala ko ndi niya ako naririnig pero sabi niya ndi niya inabot kasi feel daw niya sariling laban ko iyon...ehehehehe) and then finally nakuha ko ulit yung cellphone ko...ang alam ko ay ndi naman niya na send....oo, naniniwala akong ndi niya sinend..pero ang galing-galing talaga ng timing kasi pagkatapos kong matanong na "ndi mo talaga sinend ha?" at pagkatapos sabihin ni orgmate na "ndi nga!", bigla ba naman (and i mean bigla! mga after a second) akong nakatanggap ng message tungkol sa fair...yung sa feb 14 na show (ang title ata ay love affair (?)) tapos hulaan nyo kung san galing? hmmm!!!!!!! sirit? si jerick!!!!! kasi ang kanyang frat ay co-sponsor nung show with CE kung saan app si mirage...actali gusto ko talaga manood sa wed kaso ang galing-galing talaga ng chem at schinedule nila ang exam sa sabado na ka-week ng fair...parang pinagbabawalan kaming lahat na manood ng fair noh? ang unfair! ahahahaha...sobra! ang evil evil nila! tapos din kasi...sa thursday ay proposal defense ko! grrness!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! kelangan ko panoorin! naku! pano kung si mirage at si jerick pala ang naging magkakilala dahil magiging organizers sila ng show?!? ahahahaha
||'| still waiting @ 1:08 AM |'||
|