Tag-ulan [constantina]
Mayron lang akong hinihiling Sa aking pagpanaw sana ay tag-ulan Gitara ko ay aking dadalhin Upang sa ulap na lang tayo magkantahan-Asin, Masdan mo Ang Kapaligiran ~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~* Kakagaling ko lang sa ospital. Binisita namin yung tita ko na may stage 4 breast cancer. Siya na yata yung taong nakita ko na sobra na ang paghihirap. Dahil sa komplikasyon, nagkaroon siya ng pneumonia at tubig sa kanyang mga baga. Plano nung una na tanggalin muna yung tubig at saka na siyang iuwi, malubha na kasi. Pero hindi nila matanggal at pabagsak na ng pabagsak yung tita ko. Ngayon, mukhang mamamatay na siya sa ospital. Pasensya na kung medyo direkta yun, kasi siya na mismo yung nagbigay ng mga huling bilin niya. Lumalaban pa rin siya kahit papano, parang hinhintay yung isa niyang kapatid na darating mula sa Cagayan bukas. Sabi naman ng nanay ko sa isa ko pang tita baka dalawang araw pa siya tumagal, kasi maganda at mataas pa yung presyon niya sa dugo. Habang nakikita ko siya, naisip ko bigla yung doktor na inaresto dahil tinulungan niyang magpakamatay yung ilan sa mga terminal na pasyente niya. Habang pinagmamasdan ko yung tita ko, medyo naintindihan ko kung bakit nila gugustuhin yun. Klaruhin natin: Hindi ako taga-suporta ng pagkpapakamatay, hindi ko ginugusto yun para sa tita ko, at tingin ko naman hindi niya gagawin yon. Sinasabi na niya mismo na sobra na siyang nahihirapan, at makikita mo na itim at asul na yung isang braso niya dahil sa kasaksak ng injeksyon. Ngayon lang talaga ako nakakita ng namamatay talaga ng paunti-unti. Oo, lolo ko, pero yung namamatay ng paunti-unti na sobrang nahihirapan ngayon lang. Masakit pang isipin na dahil sa tubig sa kanyang mga baga, ang ikamamatay niya sa huli ay ang pag puno ng baga niya ng tubig. Sa madaling salita, kapareho ng mararamdaman ng isang nalulunod. Ouch. Hindi ko maisip.
||'| still waiting @ 9:21 PM |'||
grr (dahil back-to-school na!) pearlfields
first of all, busog na busog ako at ang pangit ng feeling...hahahaha...nagluto kasi si hiyas ng spaghetti na kahit hindi masarap eh madami ako nakain kasi gustom na gutom na ako....hahahahaha nakakainis! wala kasi sina bro di ba? dahil sa gig nila sa hawaii...so kagabi, natulog ako katabi si keisha at sobra atang naninibago siya kasi gising siya nang gising tapos iyak nang iyak. so antok na antok ako ngaung araw at natulog ako ng mga 4 pm. kaso may sipon kasi ako kaya nagising ako ng 6.30! grabe! eh iinsomiahin na naman niyan ako mamya eh bukas na ang aking magandang klase... constantina, ano yung MF mo? 7.30-8.30 pm ba yung 8.30? o umaga? natatawa ako sa sched mo, ang extreme. hahahahha ako naman, MTh 8.30-11.30 tapos 1-4, TF 10-11.30 tapos 2.30-4, W 9-12 at 1-4....buti na na lang tinype ko ito,sabi ko kasi 6.40 ako gisingin bukas...akala ko 8.30 ako! hahahahaha! yehey! pwede pala ako magising ngg 8.30! galing sa song na #41 ni dave matthews "i wanted to stay, i wanted to play, i wanted to love you..." wala lang napapa-dave matthews ulit ako eh. pinanood ko nung madaling araw ung 100 days with mr. arrogant at mejo di ko gusto...di ko naman mashadong type si ha ji won...tapos after nun, pinanood ko na yung a millonaire's first love ata yung title...yung kay hyun bin..anyway, naiinis ako sa babae dun, ndi ko siya type, nung mga simula, naiinis ako sa kanya. yun lang...tapos excited na ako gamitin yung mga ballet flats na binili ko sa divi...hehehe...sorry constantina dahil biglaan lang talaga akong nagpunta dun... ano pa ba? sana yung iba (starshine at mirage) mag-post na dito! hahahahhaha ay oo nga pala, dahil nga pala nasa US sina bro, guess kung sino magbibigay ng excuse letter ni louie para sa PI 100 niya? moi! grrness!
||'| still waiting @ 8:03 PM |'||
constantina to
Ahem! Sa susunod na may mag divisioria sa atin, baka naman gusto niyang magyaya ng mga sasama sa kanya! :p Nagyaya nga yung nanay ko na mag back-to-school shopping raw kami para sa damit, pero pagdating namin sa SM ang DAMING tao! Sobra! Nung namimili nga kami ng school supplies sa Natio parang kasing gipit ng Divisoria sa Xmas season! Naalala ko tuloy yung mga panahon na may mga listahan tayo nung elem para sa mga gamit, hahahaha. Parang mga yun kasi yung pinagsisiksikan ng mga tao: sa mga crayola, pentel pen, manila paper, index cards, atbp. Nakakawalang gana talaga, kaya tumingin na lang kami ng presyo ng mga cellphone para sa ate ko. Hay naku! Parang gusto ko ng pumasok na ayoko. Ang pangit talaga ng sked ko e: 7:30-8:30 MF, 1:30-6 pm TTh, 7:30-4:30 W, 1:30-4:30 Sat (!). Kaya ibig sabihin nito, Biyernes ng gabi na lang ako makakasama sa mga labas natin (kung walang ginagawa sa mga org)! :p
||'| still waiting @ 8:49 PM |'||
replies lang muna po [_10]
MIRAGEthanks sa pakikinig sakin, o pagbabasa ng mga reklamo ko sa kapatid ko.. hahaha... wala akong gana magdagdag pa muna tungkol diyan... pero thank you talaga... PEARLFIELDSalam mo ba tuwing ita-type ko yang 'screen name' mo nagiisip ako kung tama ba yung spelling ko o hindi... haha!! hindi ko alam kung bakit!!! inggit naman ako sa'yo nakapag-divi ka! gusto ko rin pumunta! may suggestion ako if ever pupunta kayo ulit ng divi na nagco-commute... sa philcoa you can take the fx papuntang buendia/taft/kalaw kung san man diyan tapos baba kayo ng manila city hall, tapos dun may mga jeep papuntang divisoria... hindi ba mas madali yun? hehe...wala lang, sorry kung nakikialam.... maganda ba talaga yung hello miss?? if ever pahiram ako nung copy mo ha... innocent steps is one of the movies na talagang na-enjoy namin ng kapatid ko (joy) panoorin... yep, maganda siya talaga. Joy even copied a few steps from the dance routines used in the movie for one of her PE(dance) exams... actually moon geun-yeong(female lead) is really good, watch her other movies, kahit matatanda na yung mga partner niya okay lang carry pa rin. hehehe..... hindi ko na-imagine na magaling din pala siya sumayaw... yan muna for now...
||'| still waiting @ 7:35 AM |'||
divi...koreano movies...hahahaha...pfields
see? ang haba kasi ng pearlfields eh...hahaha anyway, kahapon nagpunta kami dv, kami nina karen, ani tapos nanay ko. nag-commute lang kami. ganito yun. papunta, nag-taxi kami hanggang anonas station ng lrt 2. tapos lrt hanggang recto, tapos jeep papuntang 168... yun...actali, pwede kaming mag-trycicle at jeep papuntang lrt station kaso mas mahal pa ngayun eh, mas maganda na taxi kasi apat kami. tapos, hahahahaha...pangalawang beses ko pa nga lang mag-lrt eh. yung mrt, ket papano, mas madalas naman, pero yung lrt, as in pangalawang beses ko pa lang. pero mas favorite ko talaga yung lrt kasi mas malinis. anyway, so yun...lakad-lakad...shop shop...hmmm? ano pinamili ko? isang black na shirt na sabi ni ani eh hiraman kami, so inaassume ko na yung brown niya na halos kapareho nung black ko eh purchase ko na rin. tapos yung isang long blouse na nagbububble sa bottom (actali, dress siya) na gusto in hiramin ni ani, tapos 2 ballet flats, tapos isang jeans na mukang skinny jeans na oo skinny jeans ata siya pero mala-bootcut kasi ndi tlaga siya yung skinny jeans na common at wala siyang fade fade. may embellishments lang. tapos isang bag na yung stylee yung mga bag na galing bangkok. tpos nakakainis, kasi 1 size shorter yung binili ni ani na ballet flats kaya di ko mahihiram. kasi mas malaki paa ko eh. tapos bumili siya nung parang dress na top din na sabi ng nanay ko mas bagay sakin, tapos yung binili ko na long blouse na nagbububble sa bottom sabi naman nila mas bagay kay ani, kaya tingin ko eh hihiramin ko yung dress/blouse ni ani. pero hindi ko talga cinoconsider na purchase yun dahil yun yung main purchse ni ani. hahahaha. tapos bumili siya ng bag din na hiraman na lang din kami. hahahaha! at guess what constantina? bumili din ako nung hellokitty mo na bling bling.hahahahaha. anyway, yung pauwi, kasi na-late kami, at mga 5 na un at malamang rush hour na, kaya nahirapan talaga kami. kasi naman mas maaga sana kami makakaalis kung mas maaga kami nakaalis mula sa house. kaso yung nanay ko yung nagpa-late samin (kasi inuutusan siya ng tatay ko ng mga bloomfields matters kasi di ba kasama siya sa trip? eh siya nag-aasikaso ng mga technical matters). biro mo, 6.30 ako gumising tapos naka-alis kami ng past 10 na! kaanis talaga! kaya nung pauwi, wla kaming masakyan na jeep papunta sa recto station! kaya ng-pedicab kami ng 120n php! langya! sabi niya kasi nung una na 60 lang. tapos grabe, halos mamatay na kami sa nerbyos! as in scary ride...tpos yun uwi na, at super pagod. nung pag-uwi ko kahapon, nanood ako nung binili ko na dvd, yung hello, miss at 12 in one na dvd ng koreano movies. pinanood ko yung innocent steps taPOS promise nakakaiyak siya! as in! grrness nandito na si ani, gtg! ndi ko tuloy ma-full details men. next time na lang.
||'| still waiting @ 11:26 PM |'||
dancing in the moonlight-mirage
yey!am currently downloading pictures.*sigh*i so wish dsl kami.ang hirap talga ng mabagal na connection man.slmat _10. shangapala,kakabasa ko lang nung family and friends..sorry_10 ndi kita napuntahan..hay,alam mo,siguro ganun ata lahat ng mga panganay or mga nakatatanda.minsan ganun din kuya ko,well not with those kinda harsh words, but yah, he also acts all-superior or all-knowing kapag kaharap ang friends and everyone else.ni hindi ko siya ma-rebuke din kasi magagalit lang sakin un at aawayin niya ako.masakit,aaminin ko.feeling ko kasi minsan parang ang nothing ko.like i have no worth whatsoever sa kaniya.gets?like my opinion,being her little sister,doesnt matter.hello?!?he's barely a year older than me lang!!!haaay.tulad mo,tahimik na lang ako.sinubukan ko ng banggain ang galit niya ng galit ko, pero as usual,ako ang bumigay at umiyak.ang sad lang talaga... ok,on to happrier topics... ui!!!mrt to the max kami kanina ng mom ko.ahahaha.bayaran kasi ng lot kanina eh sa metrobank makati pa.ahahaha.ive only tried mrt mga 3 times lang(years apart yan) before kanina.ahaha.nakakapanibago talaga..ang funny ng mom ko, first time niya nun eh.ahahaha.kaming dalawa lang kasi..grabe,ang daming tao talaga.pro ang bilis man!ang bilis!!wala pa atang 30 min nandun na kami sa ayala station from quez ave..ahaha.nung nag greenbelt kami,dapat mrt na lang,ndi na car, kasi it took us 2 hours to get there!goshness.amazing. then after that we met up with the architecture sa cubao so mrt na naman.ang sakit ng paa ko kakatayo,nakaheels pa naman ako..buti na lang lapit ng gateway so aun,bumili ako ng flats before going home.teehee..high pa rin ang adrenaline ko so ito imbis na matulog ay naginternet at inayos na rin ni kuya ang aking pc.woohoo. sana talaga may dsl na kami.waaah.dsl!! btw,im listening to dancing in the moonlight again.i found out that it's the only way to cure my lss.
||'| still waiting @ 12:21 AM |'||
dancing in the moonlight: mirage
hi guys.there really is something wrong with my pc.pati itong blog natin hindi ko maaccess properly.i cant even see the other posts kahit ilang ulit kong pindutin ung mga links na titles.argh talaga.oh well. kumusta kau? ako,back to reality after our batangas trip. todo linis and everything.plus cooking!and alyza's sick pa.ngaun,im glad nakainternet ako kahit may topak..atleast macheck ung emails for a project sa org ko.ui guys ha,punta kau sa entrepreneurial affair namin!!im inviting you guys na.hehe.busy-busyhan na tayo talaga ngayon.lalo na next week ay enrolment. im so glad nakapagbakasyon pa ako with you all, even if it was for only one and a haf days. pictures please,pashare.hehe.thank you,thank you.
||'| still waiting @ 12:09 AM |'||
|