hahahahahahahha? alam niyo? may knack talaga ako for finding out things about people na hindi ko alam kung anong irereact ko...kung matutuwa ako, matatawa ako, maiinis ako...so i just always find myself shocked...yun na lang kasi wala na ako ibang maisip na reaction...
hmmm... nalaman ko lang naman na bukod sa banda ng kuya ko, isang banda na promise konektadong-konektado ako, isang rason kung bakit ako nagpunta ng up fair nung grade 9 tayo, isang banda kung saan ang dating member nito ay crush na crush ko, isang banda na kung saan ang 2 sa lima nitong kasalukuyang miyembro ay naging something-mates ko (at kung hindi niyo pa rin magets ay ewan ko na lang)...well, nalaman ko ngayon na ang isang miyembro pala nito (ang pangalan ay nagsisimula sa letter a) ay boyfriend na nung dati kong kaschoolbus mula k-2, elem, at minsan pa nga ay pati hs kasi sumasabay siya...ay hindi hanggang hs pala talaga kasi batch '02 pala siya. at in fairness sa kanilang apat na magkakapatid na naging kaschoolbus ko, siya yung pianakahindi ko gusto at pinakahindi ko ever kinakausap (bakit in fairness? hindi ko rin alam)...hmm...i wonder, nag-usap ba kami ever? feeling ko, mga "excuse me" lang na lebel ang inabot ng aming kwentuhan hahahahaha...naaalala ko rin na noong grade 3 or 4 ako, mas malamang ay grade 3 ako, nung uwian na, hindi niya pa nga mabanggit yung pangalan ni nadya huntagalung, na naging isang vj dati sa mtv...
haay...ano ba to? napakaliit ng mundo, i swear, hindi na ako natutuwa! bakit ganun?!?!? pakiramdam ko hindi na tuloy ako secured....haha, bakit ganito ang epekto sakin ng nalaman ko? eh wala naman akong gusto din sa boyfriend ngayon ng dati kong kaschoolbus na hind ko gusto... pero bakit kasi siya of all people? bakit sila? at bakit pa kasi si a___ ang naging boyfriend niya, pwde naman yung iba na lang na wala talaga akong kinalaman...hahahhaha hay basta! grr buhay!
||'| still waiting @ 9:00 PM |'||
hi!!!!!!!!! i miss you all!!!!!!!! pf
grabe, ito na yun sem na pagkahectic hectic na super ang konti ng naging post ko...pansin niyo naman di ba? dahil usually dati kahit na haggard na rin, may time pa rin para magpost. hahaha...oh well kamusta naman kayo? ako, bwiset yung chem 1..biro niyo chem 1 lang, 2 pa ako! kainis yung prof ko...winarningan na ako ni john na mababa magbigay yun at potek, ang baba nga..hello, yung first exam ko, 89/82 ako dun! yung prob sets ang tataas ko rin! grrness siya! yung philo, 1.75 ako, na ok naman...haay ang gwapo ng prof ko dun, mamimiss ko yun hahahahaha...wala pa results iba eh...
kakatapos lang ng induction namin at super fun niya. in fairness nagluto ako, hahahhaha. tapos yung pagbalat ng carrot at sayoto, halos kinalbo ko na yung carrots di ko man lang natanggal balat tapos yung sayote super hindi pantay pantay..buti na lang mabait yung talgang in charge sa pagluto, pero feel ko super gusto na niya ako tanggalin mula sa kitchen hahhaa...tapos ayun wala ako tulog, as in mga 10 mins lang ata ako natulog, tapos yung utak ko napakaunstable na naman at kung anu ano lumalabas sa bunganga ko, sabi nga nila, pag induction, nag-iiba daw ako..para daw ako nagmomorph hahahaha...
ayun, musta naman kayo? natatakot ako sa mga panganib kong subjects tulad ng psych 162..kainis talaga chem, kala ko pambawi ko na yun...haaayy
alam mo yun? hindi ko talaga matanggap na 2 lang ako! samantalagang lagpas lagpasan na ako sa perfect score sa exam!!!!!!! hmph!!!
in fairness, nakakalss yung kanta ni nicole scherzinger na baby love...hahahahhaa
||'| still waiting @ 6:45 PM |'||