welcome back, me! pf
Well...i'm back...after a long, long time. Ayan, i decided, i would change the way that i post stuff. Kasi nakakahilo yung usual ko na... lang after a sentence. Hahaha. But it feels so weird ilang taon na ba ako nagpopost gamit ang ellipsis. Hahaha. Anyway, i went to school yesterday, so that i would learn that i failed that darn bio lab 4th exam and i would then have to take finals on wednesay. Siyempre, thank you very much my dear lab prof for not coming. Thanks talaga for making us wait from 9 am to 1 pm pero wala ka naman pala, making us leave two notes on his door na malamang hindi naman niya nabasa. Thanky you, too, for kindly not emailing us our class standing, as promised. Oh well, at least i saw Charles, the current subject of my infatuation/obsession. Sa dami na ng dumaang araw mula nung huli ako nagpost, sige iisa-iisahin ko ang lahat. Una muna, i did well on my 6 bio exams (lec and lab). I did better on my lab, though, pero keri lang naman yung lec (ang keri sakin ay mga tipos 60+). Pero ayun, i blew it all on those last 2 exams, yung pang7th at 8th. Hindi na kasi kaya ng utak ko, nag-overload, especially dahil sabay pa yung 2 lintik na exams na yun. At kasabay nga nun ay paggawa ko ng methodology part ng paper namin, na may kadalian naman, kaso ginawa ko rin yung pag-compile ng institution visit namin sa isang SPED school, at nahirapan ako sa pag-print. Hay, kasi naman, hindi ako above average na person, na kailangan ko ng prior na pag-aaral sa bio, at hindi one shot big shot (shux, tama ba? ano ulit yung expression na yun? hahaha. sorry naman) na pag-rereview lamang, Especially dahil nakailang absences din ako sa lec kasi naman masakit ulo ko, may exam ako sa sunod na class ko at nakulangan ng study time, etc. etc. At isa pa, hindi ko naman naiinternalize lahat ng naituturo ng lec prof ko, at kung magturo siya ay napakapahapyaw lang. So siyempre, nung gabi na nag-aral ako, hindi ko natapos lahat. Yung lab prof ko naman. Ano bang masasabi ko sa kanya? Well, as previously mentioned by moi, yes, i admit, crush ko siya. Hahahahaha. Pero ayoko na sa kanya. Dahil una sa lahat, he's very conservative, him being an opus dei and being this officer sa org niya na religious org (kung saan nagaattend din dun si james, one of my most unreachable dreams hahaha). Pangalawa, muka namang wala siyang special attention na nabibigay sakin, at pangatlo (and most importantly), prof ko siya, matanda na siya. Hahahaha. So ayun, si prof na yun ay napakagaling din sa hindi pagtuturo. Mejo half of the time ng lab namin ay wala siya sa classroom. Sabi nga ng mga orgmates ko na dati niyang tinuruan ay "shung-shunga" siya. Hahahaha. Hindi naman sa shunga-shunga nga siya, tamad lang siya. Hindi niya habit ang pag-impart ng knowledge sa kanyang mga estudyante, bilang isang prof. Hahahahaha. Mas gusto niya yung ka-chika niya yung ilang certain colleagues niya habang may klase kami. Para kasing ganito yun eh, papakuhanin niya kami ng toad, ng dissecting pan, papasuotin ng gloves, ng lab gown, papadissect kami, magdradrawing lang siya ng useless diagrams ng kung anuman ang nasa manual tapos yun na yun. Bahala na kami sa pag-alam ng gagawin namin, tingnan kung anong gusto namin tingnan, tapos pag sakaling mahirapan kami sa pag-pith at nanjan pa siya, siya na magpipith ng palaka namin. Ayun. Pagkagaling-galing, hindi man lang niya na-notice na ni kahit kelan ay hindi ako nag-pith ng toad dahil sa aking matinding phobia sa mga palaka. Hindi niya rin napansin na mukang most of the time, eh napakalayo ko sa frog dahil na nga rin sa aking matinding phobia. Oh well, dahil jan, goodbye my dream of having a grade of 2.0 or higher. I am so sad! huhuhuhuhu Haay, i shouldn't have expected anything. Grr. Tapos may panganib pa ako na subjects. Una ay ang philo 125 na Indian philo. Well, ndi lang kami brinibe ng prof ko na umattend ng Krishnamurti club meetings every Sundays, aba, pinapunta niya pa kami sa Pampanga (na later on nalaman ko, sa Tarlac pala talaga). Naturally, ako, at ang psych major kung friend ay humindi, dahil hello, hindi naman kami marunong magcommute papunta dun. Kamusta naman kasi ang di pagkakaroon ng transpo, noh, sir! So yun. Sabi namin, may exam kami on that date. We had not heard from my prof at all after that so baka nga i-incomplete niya kami or i-3.0 dahil sa di pagpunta. Believe me, maraming loko-lokong prof sa CSSP (remember Kas 2? na ako, anak ng isang historian ay nakakuha lamang ng 2.75). Tapos isa pa, ay yung psych ko. Kasi nga, bilang pang-4th year sya na subject (thanks CRS!) at kasabay siya ng bio ko, sobrang nasa panganib ako. Ndi ko maintindihan ang karamihan dahil kelangan ko ng prior knowledge from another psych subject na dapat itatake ko rin sa 4th year, after Bio. Ang galing-galing talaga. Tapos yung prof ko dun, ndi niya nga alam na may 3rd year sa klase niya. Hahaha. Super kamote talaga ako sa exam niya, kaya nga nangamote din ako sa bio exam (4th sa lec and lab) kasi namatay ako sa exam dun at nung nag-aral na ako sa bio, duper dugung-dugo na ang aking bran, which can only handle a little bit a a time. I am so so so sad. Nagtry talaga ako magpaka-GC (grade conscious). Bakit kasi? Ndi lang talaga siya kaya. Grabe naman, napakalungkot ng realization na yun. I mean, what does that mean? That I'm not cut out for this? Hahahah, been watching gossip girl all day. At tapos ko na ang season 1. hahaha. Ayun. Ano pa? Lovelife? nye. Hahahaha. Asa pa ako. Oh well. Next time na ang aking social life. Marami rin eh. Hay naku.
||'| still waiting @ 6:34 PM |'||
just trying
since i can't go online as often as i want,i'11 try to post using my phone and let's see if this will work out
||'| still waiting @ 8:53 AM |'||
Malapit na mag-Christmas...pf
hi! wala na yung train of thoughts ko nung sabado...kahapon kasi di na ako nakapost kasi masakit ulo ko...in fairness natutuwa ako dahil after a long long while, kasama ko sa grocery sina lakan...ayun lang...may guwapo kaso ayun guwapo lang siya..isa lang siyang aesthetic experience...hmmm...ayun...nakakatuwa naman ang mga bumabati, tapos bukas dadating na si hiyas...ayun...kasi naman dapat may sasabihin pa ako! di ko maaalala...ahh kakatapos ko pa lang ng catch a falling star by cristina pantoja-hidalgo...maganda, may ilang stories na super nakakarelate ako, at feeling ko ako yung character...kaya ko ata siya niregalo kina tracie at faith, at kay roxie, kung kelan man niya makukuha yung regalo niya mula sakin. hahahaha..ayun, merry christmas!!!!!!!!!! i love you all! i will miss you guys again!
||'| still waiting @ 9:22 PM |'||
malapit nang matapos ang 2007....
.... at hindi pa rin ako makapaniwala. Ang bilis, ang bilis ng mga pangyayari. Isipin niyo, sa 2 o 3 taon, tapos na tayo lahat sa kolehiyo. Napapaisip ako kasi ngayong dumating yung ate ko, nagbabalak na siyang magtrabaho sa Novartis pagtapos niya ng kanyang masters/PhD na kinukuha ngayon, sa isang vaccine research lab. Hulaan niyo kung saan... sa Italy! Wow, exotic! Pero seryoso, napaisip talaga ako kung ano yung talagang gusto kong gawin, kung saan kong field gustong magspecialize. Hindi ko talaga alam e, hindi talaga. ~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~* Alam niyo ba na nung bata ako gusto kong maging astronaut? Tas nalaman ko na kailangang sobrang physically fit ka at henyo pa sa math at physics. Ok wag na lang pala (buti na lang rin hinde, kaya bang maging astronaut ang mga bumagsak sa algebra?!?). Naalala ko lang bigla nung nagstargazing kami ng ibang blockmates ko na spur of the moment lang. Xmas party/inuman ng block, umalis kaming hindi umiinom nung nagsisimula nang maging alanganin yung mga iba. Biglang naalala namin na may meteor shower pala nakaforecast nun, kaya bumalik kaming Ateneo, nang-istorbo ng isang lower batch na ES na nagdodorm sa campus, humiram ng extrang kumot, naglatag lang sa isang field (sumama na rin yung taga-lower batch), at tumingala sa taas. Mga 10:30 na siguro to ng gabi. Kahit kabanuan ang astronomy skills namin kasi Orion lang yung tanging alam namin na constellation, hindi namin madifferentiate ang Venus sa Mars at Jupiter, at hindi nga mahanap ang North Star man lang, sobrang saya namin. Kumakanta kami ng mga F4 at mga 'Stars are Blind' at 'When You Wish upon A Star' kapag nakakita kami ng bulalakaw, sumisigaw, nagtuturuan, naglolokohan kapag may dumaan na eroplano. Nagkukuwentuhan kami ng ano-ano; ibinahagi ang kaunting alam namin sa astronomy, at nagpangakong gagawa kami ng teorya tungkol sa dalas ng pagkita sa mga bulalakaw na gagamit ng limang integrals. Dumaan pa yung mga ibang kakilala namin at nakilatag sandali. Umalis kami ng 11:30 na sobrang sakit na yung mga leeg at likod sa kakatingala. Sobrang saya talaga. Isa yun sa pinakamasayang moments ng buhay-kolehiyo ko. Gusto ko lang siyang i-share sa inyo. Merry Xmas at God bless sa inyong lahat! Mahal na mahal ko kayo.
||'| still waiting @ 8:01 PM |'||
because i said i wanna revive this blog...pf
ok...well... to update you all... i have indian philo this sem, and it's super relaxing coz all i have to do is to recite and participate in our weekly dialogues wherein we talk about a certain topic and i can say pretty much what i want to say...then i have philo 181, which is aesthetics...hmm..remember my philo prof last sem? well, he is my prof again for this sem...haha...i've no comment really on that subject yet (kasi keri lang siya)...psych 135 is my 4-unit major and i'm not supposed to take it till 4th year as it is said it our curriculum guide but potek kasi crs so i was forced to take this so i won't be delayed (so so so against my will kasi super haggard, at naiyak talaga ako when i realized that i had no choice but to take it) and besides, i took all the prerequisite subjects naman na...then psych 155, which is another keri lang subject... also, my prof is really really makuwento about interesting things...so that makes it fun...cwts, a continuation of where we left off last sem, and must i say that teaching kids is really really tiring (esp pag super bata)..then last, but not the least, ehem ehem, i have bio...bio lec is super no fun, and super boring, the prof does not know how to make her students understand so i have to rely on books (kasi naman kasi!)...bio lab is bio LAB. hahahahaha...bio lab is...exciting...there are so many things to observe...especially one certain someone...hahahahahahahahhaha (pero super forbidden kasi you know why)...kasi...prof ko siya...oh well...hahaha ayun lang pinagmamadali ako ni ani but i swear i'll post tom...
||'| still waiting @ 12:16 AM |'||
hindi ko alam kung anong reaction ko dito hahahahaha pf
hahahahahahahha? alam niyo? may knack talaga ako for finding out things about people na hindi ko alam kung anong irereact ko...kung matutuwa ako, matatawa ako, maiinis ako...so i just always find myself shocked...yun na lang kasi wala na ako ibang maisip na reaction... hmmm... nalaman ko lang naman na bukod sa banda ng kuya ko, isang banda na promise konektadong-konektado ako, isang rason kung bakit ako nagpunta ng up fair nung grade 9 tayo, isang banda kung saan ang dating member nito ay crush na crush ko, isang banda na kung saan ang 2 sa lima nitong kasalukuyang miyembro ay naging something-mates ko (at kung hindi niyo pa rin magets ay ewan ko na lang)...well, nalaman ko ngayon na ang isang miyembro pala nito (ang pangalan ay nagsisimula sa letter a) ay boyfriend na nung dati kong kaschoolbus mula k-2, elem, at minsan pa nga ay pati hs kasi sumasabay siya...ay hindi hanggang hs pala talaga kasi batch '02 pala siya. at in fairness sa kanilang apat na magkakapatid na naging kaschoolbus ko, siya yung pianakahindi ko gusto at pinakahindi ko ever kinakausap (bakit in fairness? hindi ko rin alam)...hmm...i wonder, nag-usap ba kami ever? feeling ko, mga "excuse me" lang na lebel ang inabot ng aming kwentuhan hahahahaha...naaalala ko rin na noong grade 3 or 4 ako, mas malamang ay grade 3 ako, nung uwian na, hindi niya pa nga mabanggit yung pangalan ni nadya huntagalung, na naging isang vj dati sa mtv... haay...ano ba to? napakaliit ng mundo, i swear, hindi na ako natutuwa! bakit ganun?!?!? pakiramdam ko hindi na tuloy ako secured....haha, bakit ganito ang epekto sakin ng nalaman ko? eh wala naman akong gusto din sa boyfriend ngayon ng dati kong kaschoolbus na hind ko gusto... pero bakit kasi siya of all people? bakit sila? at bakit pa kasi si a___ ang naging boyfriend niya, pwde naman yung iba na lang na wala talaga akong kinalaman...hahahhaha hay basta! grr buhay!
||'| still waiting @ 9:00 PM |'||
hi!!!!!!!!! i miss you all!!!!!!!! pf
grabe, ito na yun sem na pagkahectic hectic na super ang konti ng naging post ko...pansin niyo naman di ba? dahil usually dati kahit na haggard na rin, may time pa rin para magpost. hahaha...oh well kamusta naman kayo? ako, bwiset yung chem 1..biro niyo chem 1 lang, 2 pa ako! kainis yung prof ko...winarningan na ako ni john na mababa magbigay yun at potek, ang baba nga..hello, yung first exam ko, 89/82 ako dun! yung prob sets ang tataas ko rin! grrness siya! yung philo, 1.75 ako, na ok naman...haay ang gwapo ng prof ko dun, mamimiss ko yun hahahahaha...wala pa results iba eh... kakatapos lang ng induction namin at super fun niya. in fairness nagluto ako, hahahhaha. tapos yung pagbalat ng carrot at sayoto, halos kinalbo ko na yung carrots di ko man lang natanggal balat tapos yung sayote super hindi pantay pantay..buti na lang mabait yung talgang in charge sa pagluto, pero feel ko super gusto na niya ako tanggalin mula sa kitchen hahhaa...tapos ayun wala ako tulog, as in mga 10 mins lang ata ako natulog, tapos yung utak ko napakaunstable na naman at kung anu ano lumalabas sa bunganga ko, sabi nga nila, pag induction, nag-iiba daw ako..para daw ako nagmomorph hahahaha... ayun, musta naman kayo? natatakot ako sa mga panganib kong subjects tulad ng psych 162..kainis talaga chem, kala ko pambawi ko na yun...haaayy alam mo yun? hindi ko talaga matanggap na 2 lang ako! samantalagang lagpas lagpasan na ako sa perfect score sa exam!!!!!!! hmph!!! in fairness, nakakalss yung kanta ni nicole scherzinger na baby love...hahahahhaa
||'| still waiting @ 6:45 PM |'||
Busy-busyhan [constantina]
Wala lang. Kahit alam kong malapit na finals week at may report kaming sobrang pasakit na at hindi man lang namin makonek sa subject natin at kahit napapainom na ako ng kape para hindi matulugan ang mga kagrupo ko at kahit nagkakaabutan kami ni pearlfields ng 3:00 ng umaga sa YM, magbblog pa rin ako. Alam kong parang sirang plaka na ako na walang masabi pero miss na miss ko na kayong lahat. Kailangan natin makipagkita sa sembreak at makipag heart-to-heart talk. Hahaha.
||'| still waiting @ 12:17 AM |'||
|